GULAT na gulat kay Jiron si Micaya nang bigla siyang sumulpot at bumulaga sa binuksan nitong pinto. Bahagyang napasimangot sa kaniya si Micaya. Ngunit natuwa siya nang pahintulutan siya nitong pumasok sa loob. "Wala ka man lang warning na darating ka. What if nandito pa si Daniel?" anito habang pabalik sa loob. Sinundan niya ito matapos isinara ang pinto. Kakaibang tuwa at pananabik ang naramdaman niya habang pinagmamasdan ang kabuuan nito. Nababalot man ng maigsing roba ang katawan ay tila tagos doon ang paningin niya. Mataas pa sa tuhod nito ang laylayan ng pink bathrobe nito. Not a curse urged him to feel that way. Talagang mula sa puso niya ang pananabik. He gently touched her shoulders. Parang may mahinang kuryenteng dumikit rito at napakislot. Pero alam niyang she likes what he

