"Pero hindi ako pwedeng magpahinga, 'yung kapatid ko special child 'yun. Ipipikit ko lang ang mga ko naghahalo halo na naiisip ko katulad ng baka may masamang nangyari sakaniya, paano kung may sakit din siya? Paano kung apat na araw na siyang hindi kumakain? Paano kung nasa mga masasamang tao siya?" lumakas ang iyak ko habang diretso ang tingin ko sakaniya. Biglang narinig ko ang boses ni Mamsh Jorgie sa utak ko na manghingi na ako ng tulong kay Captain Bato dahil nga expert 'to sa laghahanap ng mga lokasyon. Narinig ko rin sa isipan ko ang boses ni Gracielle na dapat babaan ko ang prdie ko at h'wag unahin ang galit. "T-tulong mo 'ko parang awa mo na. 'Di ba magaling ka maghanap. Please hindi ko na kaya, tulungan mo 'kong mahanap ang kapatid ko. Gagawin ko lahat ang gusto mo, papayag na

