Paint Cenery NATAHIMIK ako sa sinabi niya dahil hindi ko talagang inaasahn na malalamang niya ang eksaktong nagyari saakin kagabi dahilan para mapuyat ako. "Tutulungan kitang gumawa ng rules n'yo pero may tanong muna ako bago 'yun." seryoso niya saad kaya dala na rin sa kuryosidad ay nagsalita na ako. "Ano?" nagangat ako ng tingin sakaniya dahil natulala ako bigla sa sahig. "Kilala kita, kilala ka ng lahat nang tao dito kahit nga 'yung mga ibang baranggay pa eh." sobrang seryoso niya ngayon na animo papagalitan niya ako. Ang weird lang ay 'di ko makuha ang pinupunto niya. "Tapos?" "Hindi ko akalain na pumayag kang maging Kiss slave n'ya? H'wag mong sabihin 'yan ang dahilan bakit 'di ka niya ipinakulong at tinulungan pa?" napasinghap ako at napamasahe saaking sintido. Dapat pala h

