Kristel "Aray girl huh?? Ano na naman ba kasing nasabi ko?" Guess who kung sino 'yong umalma na binatukan ko? Buti nga batok lang walang sakal, eh. Makatanong ba naman kung kumusta raw 'yong date namin ni Blossom? Nakaiskor daw ba ako? Ang lakas pa ng loob magtanong ano? Hello? Inistorbo niya lang naman 'yong kissing scene namin. Hanggang ngayon kaya ay badtrip pa rin ako pero dahil okay naman na kami ni Blossom kaya patatawarin ko siya ngayon. "Girl, kwentuhan mo naman kami ng nangyari." At dahil nga ayaw ko sanang mag-kwento kaya balak ko sanang tumakas pero napagtulungan ako ng mga 'to nang hilain ang uniform ka. Baka mahubaran ako, eh. At dahil nga mapilit sila, ikwinento ko sa kanila 'yong mga ganap sa date namin ni babe maliban lang do'n sa naudlot na kiss. Neknek nila. Never

