Kristel "What?! Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan?!" inis na wika ko sa aking pinsan na si Kevin, kausap ko kasi ito sa phone, ngayon lang kasi sinabi nito na ngayong araw ang engagement party kuno nila ng pinakakamamahal kong si Blossom. Pinakamamahal talaga, eh. Hindi naman talaga ako papayag na maikasal sila, kung maaari lang ay pigilan ko rin 'yang engagement party na 'yan pero hindi maaari dahil may mas maganda kaming plano ng pinsan kong si Kevin para hindi matuloy ang kasal na 'yan. May tiwala naman ako sa pinsan ko pero syempre minsan ay hindi ko maiwasang mainis. Tinatawanan na nga lang ako ng pinsan ko, napakaselosa ko raw. Tinawagan ko naman ang kaibigan ko na nag-aayos at nagmemake-up sa akin, kahit may sarili itong salon ay ito talaga mismo ang nag-aayos sa akin. Sinabi ko n

