Blossom Red hoodie jacket, maong shorts short at slipper . Okay na siguro 'tong porma ko dahil sa park lang naman malapit sa school kami magkikita ni Kristel. Nandito na nga rin ako at hinihintay siya. Ang tagal lang ng babaeng 'yon, ah. Gusto ko kasing mag pasalamat sana sa kanya doon sa breakfast na binigay niya para saakin. Hindi kasi ako nakapagpasalamat sa school dahil hindi ko siya nakikita at tsaka parang iniiwasan niya ako. Hindi na ako sanay kapag walang nangungulit sa akin. Oo, na. Miss ko na siya. Grabe lang din kasi manggulat ang babaeng 'yon. Pagkatapos i-announced sa buong campus ang panliligaw sa akin, hinalikan pa ako. Hindi na nga ako nakakatulog kaagad kapag bumabalik sa isip ko 'yong mga ginawa niyang 'yon. At ito pa dumami rin ang gustong makipagkaibigan at gust

