Kristel Ilang araw na rin pala simula nang bumalik siya at ilang araw ko na rin palang iniiwasan si Blossom. Oo. Sadya talaga ang pag-iwas ko sa kanya. Iniiwasan ko siya kahit hindi ko pa sigurado kung ano ba talaga kaming dalawa. Natatakot ako sa magiging sagot niya. Natatakot ako ma-reject. Natatakot ako na hindi naman pala 'Oo' ang sagot niya. At natatakot akong masaktan ulit at pagmukhaing tanga. Pero alam mo 'yung gustong-gusto ko talaga siya lapitan pero naguguluhan na rin ako dahil din sa paulit-ulit na pangungulit ni ex. Ang taong una kong minahal na sinaktan at iniwan din ako. Flashback (The Past) "Wag ka kasing tatanga-tanga!" sigaw ko doon sa babaeng bumangga sa akin na may dala-dalang drinks kaya ang siste ay natapon tuloy sa uniform ko 'yong bitbit niya. Mukhang maiiyak

