Blossom Haysss. Ang kulit lang talaga ng babaeng 'yon. Nandito na ako lahat sa trabaho ko pero naiisip ko pa rin lahat nang nangyari ngayong araw. Sikat na sikat na ako sa school dahil sa kawerduhang ginawa ng bababaeng 'yon. Sino pa nga ba? Edi si bully queen Aka. Kristel Fuentabella. Kaloka lang. I-announce daw ba sa buong campus na gusto niya akong ligawan. Syempre gusto ko naman tumanggi no'n pero syempre ayoko rin namang mapahiya siya kaya om-oo na lang ako. Salamat nga siya naging concern pa ako sa kanya pagkatapos ng lahat nang ginawa niya sa akin. Nagtaka nga lang ako kung bakit wala man lang nag-react sa gusto niyang panliligaw sa akin? At tsaka tomboy ba siya? "Sunduin kita mamaya, ah." At ito pa nagtext na naman ang gaga. Nagpaalam kasi ito na may pupuntahan lang daw sila

