[Tristan Montecillo]
"Baby, all I want is you. In the middle of the night, I've been thinking about you like. Baby, all I want is you—s**t!" I cursed.
May humigit sa earphones ko, nasira tuloy ang pagkanta ko!
"Badtrip naman! The heck did you do that, Ivan?" I yelled like a mad man.
Baka nasira niya ang earphones ko tapos hindi naman niya ako ibibili ng bago. Kuripot pa naman ng lalaking ito!
"Shut up. Ingay," nakakunot ang noo niyang sabi bago ulit itinuon ang tingin sa unahan.
Siya ngayon ang driver namin, hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangisi dahil siya lang ang pagod sa biyaheng 'to. Nang mahimigan ko na malapit na ang rap ng kantang pinapakinggan ko ay kumanta na ulit ako.
"Baby come through! Baby come through! And you ain't gotta stress. You know I'm the best—damn!"
Masama ang tingin na lumingon ulit ako kay Ivan. Bakit ba niya ako binatukan?! Paano niya nasasaktan ang guwapo kong mukha?!
"f**k it, Tristan! I said shut up!" naiinis na sabi niya at mas binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan!
Oh, s**t!
Hindi ako naka-seatbelt! Hindi man lang niya ako inabisuhan! Mabilis kong hinagilap ang seatbelt at ikinabit iyon.
Nilingon ko ulit siya. "Bad wolf!"
Napahawak siya sa tenga niya at nilingon din ako. Kung nakakamatay lang ang tingin, patay na siguro ako pero dahil ang guwapo ko, walang epekto sa akin iyon!
"Tang ina naman. Bumaba ka na kaya, ano? Malalate tayo," sabi niya sakin.
Napasimangot na lang ako. Napaka-boring ng biyaheng ito. I was about to say something to annoy him more when I heard a warning growl from the backseat. Nagkatitigan kami ni Ivan na kagaya ko ay nagulat din.
Napalunok ako bago lumingon sa likod. And yeah, there he is! Nakakunot ang noo habang nakapikit ang mga mata at nakahalukipkip pa. Kung babae lang ako, kikiligin ako sa nakikita ko pero dahil sa guwapo ako, wala akong pakialam sa kaguwapuhang taglay ni Luke.
Umayos na lang ako ng upo at hindi na nagbalak pang mag-ingay dahil baka patalsikin ako ng dalawang ito sa kotse.
×××
Sliver Moon Pack is not that bad to look at. Maraming wild hyacinth at iba't ibang kulay ng carnation flower sa paligid, kaya hindi na nakapagtatakang may mga paru-paro akong nakikita.
Nang makababa kaming tatlo sa sasakyan ay isang malaking mansion na kulay kape ang tumabad sa amin. Ang ibang bahay sa hindi kalayuan ay cabin log-style ang disenyo. Hindi ako mapakali kaya inilibot ko ang mga mata ko sa kabuoan ng lugar.
Hmm. Wala pa rin akong maramdamang iba.
"Ivan. . ." malungkot kong tawag sa kanya.
Napataas ang kilay niya. "What?"
"Do you, do you, do you lab me?! Aray!" nabatukan niya ulit ako!
Binibiro ko lang naman bakit kailangan manakit?!
"Wala," simpleng sagot niya dahil alam niya talaga ang ibig kong sabihin.
Oh, s**t no! This can't be!
Habang nagd-drama ako ay may napansin akong gumagalaw sa hindi kalayuan, isang puting pusa. Sahalip na nakakainis na amoy ay isang mahalimuyak na bulaklak ang naaamoy ko mula sa pusang iyon. There's a faint scent coming from that cat made me calm.
"Hoy, pusa!" Tumakbo ako papalapit sa pusang nakaupo lang sa gilid ng isang maliit na pond na may mga lumalangoy na koi fish.
"Boo!" Tumaas ang kilay ko bago ko kinarga ang pusa na nakatitig lang sa akin.
I never liked cats but this one made an exception.
"Bakit hindi ka natakot sa akin?" nakangising tanong ko. "Ah, oo nga pala hindi ka natatakot sa mga gwapo!"
Natawa ako sa sinabi ko at napailing dahil kinakausap ko ang pusang ito. I run my fingers on the white fur of the cat with deep set of blue eyes. Lintek, mas maganda pa mata ng pusang ito kaysa sa akin!
"Ivan! Dude, look!" Patakbo kong nilapitan ang kaibigan ko.
"What is that?" parang nandidiri niyang tinitigan ang pusa na nasa braso ko.
"Pusa ito, gago!" Nabatukan niya ulit ako dahil sa huli kong sinabi.
Kahit kailan talaga ang lalaking ito, napakabugnutin!
Hinarap ko si Ivan at sasapakin ko sana siya para makaganti nang bumukas ang pinto ng sasakyan na tumama sa likod ko kaya nabitawan ko ang pusa.
Nahagip ang maskulado kong likod!
Gusto ko sana siyang sigawan, saktan o kaya naman ay batukan pero hindi puwede. Tumitiklop ako kapag si Luke na ang kaharap ko.
"Pahara-harang kasi," bulong ni Ivan na mas kinainis ko.
Sahalip na kamustahin ako ay ininsulto pa niya ako. Sisigawan ko sana siya pero paglingon ko sa kanya ay hawak na niya ang p***y ko!
"Let's go," malamig sabi ni Luke.
Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod, mamaya ko na lang sasapakin si Ivan. Habang naglalakad kami sa front yard ng pack house ay wala naman akong makitang ibang werewolf. I just shrugged the thought of them being scared just because of our presence.
Nang makalapit kami sa main door ay doon ko naamoy na may ilang werewolf sa loob.
"Mag-doorbell ka na," pagsita sa akin ni Ivan habang si Luke ay nakasandal lang sa kabilang side ng pinto, nakapikit pa ito.
"Tapos tatakbo tayo? Tsk, oo na," sinamaan lang niya ako ng tingin. Hindi ba nila na-gets na joke iyon?
Pinindot ko iyong doorbell. Gusto ko sanang pindotpindutin pa pero pinigilan ko ang sarili ko. Ilang sandali pa ay bumukas na rin ang pinto at isang babaeng nakangiti ang tumambad sa amin. Morena siya at may hanggang balikat na buhok, may katangkaran rin pero mas matangkad pa rin ako.
"Good morning po, Luna Sophia. The Hollow Moon Pack is here," bati namin ni Ivan.
"Not the whole pack but its pillars are here," nakapikit na sabi naman ni Luke.
Siniko ko siya dahil sa tono niya. Kahit na labag sa akin ang ginawa kong pagsiko sa kanya ay ginawa ko pa rin.
"Morning Luna," napipilitang ngunit si Luke at tipid na nginitian ang Luna ng pack na ito.
"Well, nice to meet you boys and especially you, Alpha Luke," tuluyan nang binuksan ni Luna Sophia ang malaking pinto ng kanilang bahay.
Nauna nang pumasok si Luke, sumunod naman sa kanya si Ivan habang hawak pa rin ang pusa na kanina ay hawak ko. Pinaupo kami sa mahabang sofa habang sina Luna Sophia at si Luke ay umakyat sa itaas. I'm sure they're going to discuss something I already know. Alam ko na rin ang pag-uusapan nila dahil napag-usapan na namin iyon sa pack namin.
Hinahanap ni Luke ang nakatadhana sa kanya. Nagulat na lang kami dahil wala naman siyang pinakitang interes noon na mahanap ang mate niya dahil puro siya trabaho para maging matatag ang pack namin. Siguro ay naisip niyang mas maaga niyang mahahanap ang mate niya ay mas maganda.
"Tingin mo tao talaga ang para sa atin?" mahinang tanong ni Ivan sa akin.
"Okay lang sa akin kung tao sila, basta ba mahanap ko na siya. Gusto ko na siyang mayakap," seryoso kong sagot.
Wala naman akong pakialam kung tao o kung anong pang lahi ng nakatadhana sa akin. Basta makasama ko na ang nakatadhana sa akin ay masaya na ako.
A lot of older mated wolves told us that love for wolves came easily, unlike for the human race.
Humans took months, years or even decades to fall in love for someone, especially to their destined one. And sometimes they failed to see their soulmate because they are picky. They denied their feelings for their destined one and suffer for the rest of their lives. But in our race, we realize that they are the one for us in just one glance because of the mate bond.
"That was the beauty of our kind," my wolf Icce grinned.
"Yeah, yeah whatever," I blocked him, I don't want to talk to my annoying wolf.
"What about you, man? What if they're humans?" tanong ko kay Ivan habang nilalaro niya ang pusa na dapat ay nasa akin.
"It doesn't matter. I will accept her no matter what race she is."
Napabuntong hininga ako. "Hmm, this is the last pack, right?" tanong ko at tumango siya bilang sagot.
Great. Kung wala rito ang mga mates namin ay sisimulan ko ng libutin ang buong mundo. Okay lang kahit tao ang nakatadhana sa akin kaysa isang rouge. Mahirap matanggap ng isang pack kapag isang rouge ang aming magiging kapareha dahil sa kadahilanang iba ang paniniwala ng mga ito at hindi sila sanay sa organisadong mayroon ang isang pack.
Pero kahit rouge pa ang nakatadhana sa akin, I will still accept her because she is the one who is destined for me. She is the only one who can make me feel things I will never feel with any girl.