[Vee Jimenez] Ang kapal talaga ng lalakeng iyon! Dinaig pa ang kapal ng encyclopedia! "Vee, nakakahawa iyang simangot mo, ano ba." Nag-flip ng hair si Alex habang naglalakad kami papunta sa store ng forever 21. "Eh, naaalala ko iyong kanina! Nab-bwisit ako!" Pagkatapos kasing sabihin ng lalaking iyon ang pagkawala daw ng kanyang virginity ay nagmadali kaming umalis ng shop. Hindi ko tuloy natikman iyong in-order kong cheese cake! Masamang ginugutom ang magandang babaeng katulad ko, hmp! Kaya hanggang ngayon ay badtrip pa rin ako. Pagpasok namin ng store ay nagsimula na kaming tumingin ng mga damit. Ang dami kong nakitang cute na dress kaya kumuha ako ng limang dress na nagustuhan ko. "Fitting room lang ako," pagpa-paalam ko sa kanila. Pagkapasok ko sa isang cubicle ay sinukat ko na a

