Elif point of view
Kamot dito kamot doon.
Napapikit ako ng hilahilahin ng parloristang bakla ang buhok ko para ayusin, at masakit yon sa anit dahil parang gusto na nito akong kalbuhin.
Prenteng nakaupo sa sulok si cameron habang nakacross arms at nanunuod sa ngyayari sa 'kin.
Pinandilatan ko siya ng mata ng magtama ang paningin namin dalawa.
Kailangan pa ba nito?"inis kong tanong. At marahan siya na tumango.
Hindi mo ba kilala ang mga palermo hija? Haharap ka sakanila!"sabat ng bakla kaya napairap ako dahil di naman siya ang kausap ko,
She's right"pang sang ayon ni cameron kaya muli akong napairap na ikinangisi niya na tila ba tuwang tuwa na nakikitang mukang miserable ang pagmumuka ko.
Ang arte, kaya ayoko sa mga mayayaman e mga matapobre"inis kong bulong.
May sinasabi ka elif?"tanong niya kaya muli ko siya na inirapan.
May pumasok na dalawang babae sa parlor hawak ang dalawang malaki na paperbag.
Ano nanaman 'yan?"tanong ko.
Your dress"simpleng sabi niya na agad kong tinutulan.
Ayoko, at hindi ako magsusuot ng gan'yan!"tanggi ko.
Isusuot mo 'to dahil"pinutol ko ang pagsasalita niya.
Dahil gusto mo? Neknek mo ulul na spoiled brat"protesta ko na ikinatawa niya.
Anong nakakatawa?"irita kong tanong kaya binawi niya ang tawa.
Wala naman, ikaw lang ung kilala kong babaeng laging galit"aniya niya kaya napairap ko.
Sabi nila kapag mo ang isang tao hindi mo kailangan baguhin"wala sa sarili kong sabi ng maalala ko ang lahat lahat samin ng magaling kong ex na pilit akong binabago para hindi mapahiya sa barkada nito. Ano bang magagawa ko eto lang ako
Sabagay gusto ng mga lalaki ung labas ung pusod at mga hita pati narin dibdib
Eh ang kaso hindi naman tayo nagmamahalan"natatawa niya na sabi kaya napatingin ako sakan'ya.
Oo nga no! Pero ayoko parin"tanggi ko na ikinasimangot niya
Anong gagawin ko para pumayag ka?"tanong niya. Inilahad ko ang mga kamay kaya tumayo siya at inabot ng kamay niya ang palad ko.
Binawi ko ang kamay ko at hinampas ang kamay niya..
Hindi 'yang kamay mo! Bigyan mo 'ko ng 2k pambayad ng kuryente namin dali"sabi ko kaya napaisip siya at dumukot sa wallet.
Wala akong pocket money"inabot niya sa 'akin ang credit card kaya nanlaki ang mga mata ko.
Magkano laman nito?"tanong ko.
Hindi mo mabibilang"nakangisi niya na sabi kaya napairap ulit ako at ibinalik sakan'ya.
Cash ang kailangan ko"tanggi ko.
Sumenyas siya sa babae at lumapit naman ito at nag abot ng papel at ballpen at nagsulat doon at ibinagay sakin.
Natawa ako ng makita na cheke 'yon na naglalaman ng 5k.
Parang piso lang sa 'inyong mayayaman ung libo libo ah"natatawa kong sabi.
You should call yourself lucky dahil sa dami ng magaganda at mababait d'yan ikaw ang napili ko"nakangiti niya na sabi
Maganda at mabait ako"buong kumpyansa kong sabi pero napakibit balikat siya na ikinainis ko.
Ng matapos iayos ang buhok ko ay pinagbihis na 'ko sa dressing room.
Sinuot ko ang kulay pula na dress na hapit na hapit sa katawan ko na hanggang mga hita lamang. Kawawa naman itong dibdib ko pinagkaitan ng may kapal
Halata kaya ung bilbil ko?
Anghirap magsuot ng ganito mukang mamahalin at branded, feeling gold. Umikot ako sa harapan ng salamin at hinampas ang isang pisnge ng pwetan ko, pak na pak sa kasexyhan.
Lumabas na 'ko ng dressing room at nadatnan ko itong prenteng nakaupo sa couch habang naka cross ang mga binti at nakatingin sa 'akin. Mula ulo hanggang paa
Ilan minuto itong nakatingin sa 'akin Kundi pa ko pumitik sa daliri ay hindi ito matatauhan.
L-lets go"tumikhim ito at tumayo na para maglakad palabas ng parlor habang ako ay nakasunod lang at nahihirapan maglakad dahil sa mala glass sandals ni cinderalla na mataas ang takong.
Hindi na nanga ako inalalayan ambilis pa maglakad. Ng makarating sa labas ay nandon pala ang kan'yang kotse. Sumakay ito sa luob habang ako ay nakatayo lang sa harapan ng kotse.
Bumukas ang tinted na salamin ng bintana.
Sakay na ano pang tinatayo tayo mo?"tanong niya kaya muli nanaman akong napairap.
Hindi mo manlang ako pagbubuksan ng pinto?"gulat kong tanong.
Wala tayo sa teleserye elif"sagot niya kaya napapadyak ako sa inis.
Padabog kong binuksan ang pinto at sumakay.
Inaantay na nila tayo"ngumiti ito pero irap ang ibinigay ko sakaniya.
Wow mukang naglilihi kana elif"natawa ako ng sarkastiko.
Asa ka! Walang mabubuo dahil baog ka"sagot ko.
Ulitin natin para sure?"tanong niya habang nakatawa ng nakakaloko
Nanlaki ang mga mata ko at hinampas siya sa balikat.
Magpapanggap lang tayo at hindi 'yan kasala sa kasunduan natin!"singhal ko pero natawa siya.
Pero nagawa naman na natin?"tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin dahil nag iinit ang buong muka ko habang nanlalamig naman ang buong katawan ko.
Tumigil ka nga! Kundi bahala ka d'yan ayoko ng gawin 'yang plano mo"nakaiwas tingin kong sabi.
Sus kunwari kapa baka mainlove ka sa 'kin dahil sa gwapo mabango at daks ako"pang aasar niya pa kaya tumawa ako ng peke bago siya irapan.
Hinding hindi ako magkakagusto sa m*nyak na tulad mo!"sagot ko
Haaahh !! Talaga ba? Edi same pala tayo hinding hindi rin ako magkakagusto sa babaeng pinaglihi sa angry bird"umirap din siya sa akin bago inistart ang kotse.
Edi mabuti !"sagot ko naman at inirapan din siya.