Elif point of view
Nakasuot ako ng headphone habang magkaharap kami ni cameron, siya ang magsasalita habang huhulaan ko kung anong sinasabi niya.
Ibinuka niya ang bibig ng nakatawa.
Ngumuso siya kaya ginaya ko pero di ko maintindihan, kaya dinahan dahan niya.
Juts or daks?"nanlaki ang mga mata ko at natakpan ang sariling bibig, nagtawanan ang mga kapwa contestant na natitira, sinamaan ko siya ng tingin habang ito ay tawa ng tawa.
Ang nasa criteria kasi ay babanggitin ng lalaki ang paborito nyang masdan o hawakan sa parte ng babae, kaya paano napunta sa tanong ang juts or daks, halos mamula si cameron kakatawa bago huminto at sumenyas,
nagsalita ulit ito at mabagal na.
Leg?"nasagot ko, tumango tango ito at nag okay sign, kelan niya pa naging paborito ang legs ko..baka naiingit siya sa legs ko what if totoo palang bading si cameron..
Maasim? Muka?"naguguluhan kong tanong, inulit niya ulit at don ko napagtanto na ang sinasabi niya na paborito nyang pagmasdan ang MAASIM KONG MUKA!
Napapadyak siya sa kakatawa ng magtagumpay syang asarin ako.
Hindi ko siya kinibo ng matapos ang larong iyon, marami pa ang laro na nilagpasan namin ni cameron at nasungkit naman namin ang first place..nanginginig ang kamay kong tinanggap ang mabangong cheke, $1000 yon at sa pinas 50k plus din iyon, sa sobrang tuwa ko ay nasunggaban ko si cameron ng yakap munit agad din kumalas ng di manlang to ngumiti. Problema nito
Tumikhim ito at tumingin sa ibang direksyon bago iabot ang certificate ng BEST COUPLE OF THIS YEAR at plane ticket at hotel reservation..
Ibinalik ko sakaniya ang inabot niya.
Sapat na sakin tong premyo! Bigay mo nalang kila sol mas kailangan nila yan"tanggi ko pero di niya tinanggap.
Sila ba nagpakahirap buhatin ang mabigat na gaya mo ng trenta minutos?"sarkastiko nyang sabi.
A-ayoko nga sabi, tyaka may pasok pa ko sa school cameron!"hinarap niya ko at yumuko kapantay ko.
Bakasyon ngayon elif"huminga ako ng malalim bago tanggihan ulit siya.
Kung ayaw mo ibebenta ko nalang"pero kinuha niya sa kamay ko, haysss angkulit.
Kung gusto ikaw nalang mag isa"giit ko
Di natin makukuha 'to kung di tayo magkasama!"pamimilit ni cameron.
Siguro gusto mo ko makasama no? Siguro nagkakagusto kana sakin?"madiin kong bulong, namilog ang mga mata niya at naging aligaga.
No way! Ginagawa ko 'to bilang pasasalamat dahil pumayag ka sa kasunduan, hindi lang ako ang nailigtas mo dahil nailigtas din kita..pareho tayong ipinagkasundo sa taong di natin gustong pakasalan okay?"paliwanag niya kaya natawa ako
Defensive.
Bakit hindi mo nalang kasi aminin saakin na bading ka talaga, kaya ayaw mong ikasal sa ibang babae?"tanong ko.
Asa ka!"tinalikuran niya ko at naunang maglakad. Pikon
Gabi na ng makalabas kami ng mall, pasakay palang kami ng kotse ay may humintong puting fortuner sa harap namin..bumaba ang salamin ng kotse at iniluwa non ang matandang babae.
Gusto kong imbitahan mo si elif sa bahay para sa dinner apo"napatingin si cameron saakin at tumango. Natanaw ko pa ang mommy ni cameron na nagmamaktol sa loob.
Gaya ng gusto ng lola ni cameron ay dumiretso nga kami sa bahay nila.
Parang fiesta nanaman ang lamesa nila cameron dahil sa dami ng pagkain na nakahanda, hindi ko maiwasan magutom ng sobra kapag ganito kadami ung nakikita ng mga mata ko e.
Kumain ka lang hija"tipid na ngiti ng lola ni cameron kaya napangiti ako ng malapad at sinimulan na kumuha ng pagkain gusto ko.
Kung may dala kang supot, iuwi mo narin ung mga tira okay, wag ka mahiya makapal face natin"sarkastikong tumawa ang mommy ni cameron, sulyap na tingin lang ang ibinato ng lola ni cameron sa mommy nito ay tumigil na sa pagtawa.
Kapag ganyan ka katakaw, malamang hindi kapa nanganganak baboy kana..pag ngyari yon mawawalan sayo ng gana ang anak ko, dahil losyang kana"muling nagsalita ang mommy ni cameron na walang magandang sasabihin kundi pang iinsulto.
She gains weight or gets ugly, it doesn't matter to me as long as our child is healthy"simpleng sagot ni cameron sa tabi ko habang kumakain, as if naman na meron talaga.
That's my apo!"proud na sabi ng kanyang lola.
Nang matapos kumain ay nagpaalam na kong ihahatid ni cameron sa bahay pero hindi na pumayag ang daddy nito dahil gabi na.
Maraming guest room sa mansyon, you can stay here for night"pasaring ng mommy nito.
You can sleep cameron's room if you want hija"sabat ng kanyang lola na sinang ayunan ng daddy nito.
Wala naman masama dahil hindi naman na kayo mga bata, sa katunayan ay nakabuo na kayo ng bata"nag init ang muka ko sa sinabi ng daddy ni cameron, nag mamartsang lumayas ang mommy ni cameron na lagi nalang talo sa eksena.
Naiwan ang lola ni cameron kaharap namin.
Kailan niyo ba planong magpakasal na?"tanong nito kaya nagkatinginan kami, hindi namin alam ang isasagot
Since hindi pa tapos ang school year iknow elif still studying, mas okay siguro after give birth to my apo sa tuhod"nahawakan ko ang daliri ni cameron dahil sa tensyon.
Okay po lola"napiga ko ang kanyang daliri dahil sa pag sang ayon nito.
Magpahinga kana elif, don't stress her cameron okay"nagpaalam na ang kanyang lola at don lang ako nakahinga ng maluwag..
Malamang binubura na ni san pedro ang mga pangalan natin sa listahan ng mga dapat mapunta sa langit dahil sa dami ng kasinungalingan na pinag gagawa natin"madiin kong bulong, napahinga din siya ng malalim at mukang problemado.
E kung buntisin nalang kaya kita ng tuluyan para di na natin kailangan magsinungaling?"tanong niya kaya natampal ko ang muka niya.
Manahimik ka"giit ko at naunang pumasok ng mansyon nila.
Hiniram ko muna ang extra terno pajama ni cameron pansamantala para makaligo, kasalukuyan kong tinutuyo ang buhok ko ng lumabas ng banyo si cameron habang nakatapis ng tuwalya ang kalahating katawan.
Ano ba yan magdamit ka nga!"tumalikod ako sakaniya at umupo naman ito sa tabi ko.
Pwedi mo naman pag isipan ngayon gabi e, kalabitin mo lang ako kapag nagbago ang isip mo"maagap akong tumayo at lumayo sakaniya.
Bakit ba ganyan ka, nakakainis!"iniligpit ko ang blower at nahiga sa malambot na sofa kaharap ng malaking kama.
Ayaw mo matulog katabi ko? Mas masarap matulog dito sa kama kesa sa sofa"tanong niya, nagtalakbong ako ng kumot at tumalikod.
Malamig dyan, mainit dito sa kama"pang aasar niya pa.
Cameroonnnnn !!!!"inis kung sigaw at napabangon dahil sa init.
Isusumbong kita sa lola mo kapag di ka tumigil!"banta ko kaya nanahimik siya, halos lahat sila dito sa bahay takot sa lola nila..buti nalang at di matapobre ang lola niya kaya kahit papaano ay may kasundo o kakampi ako.
Pinilit kong matulog pero malamig talaga, hindi ako tatabi sakanya kahiy anong mangyari.
Sinilip ko si cameron at mukang mahimbing na itong natutulog, hinayaan niya talaga ako sa sofa imbes na magparaya ito at sabihin na siya nalang dito at ako sa kama, huhu nakakainis hindi manlang gentleman.
Pinahid ko ang luha sa mga mata ko, ang oa lang na naiiyak ako sa ganito kababaw na sitwasyon.
Hmmmm"napatingin ako kay cameron na umungol..
Kahit sa panaginip puro kamanyakan.
Celine"napatitig ako sakaniya ng banggitin niya ang pangalan ng ibang babae.
Celine"muli nitong tawag
Pinagmasdan ko lang siyang managinip at paulit ulit na tawagin ang pangalan ng ibang babae hanggang sa di ko namalayan ang sariling makatulog