Chapter 50 Paggising ko wala na si Ikaros sa tabi ko. Mabilis akong tumayo at hinanap siya sa banyo. He is not there. Lumabas ako ng kwarto at mabilis na tinahak ang hallway hanggang staircase. Tumigil lang ako ng makakita ng katulong. "Si Ikaros po?" "Umalis na po Senyorita." "Nagsabi ba kung saan siya pupunta?" "Sa pagkakarinig ko po sa palaisdaan ang tungo niya." Napabuntong hininga na lang ako at muling bumalik sa kwarto. Pumasok ako sa bathroom para makaligo na. Pagkatapos ay kumuha na lang ng shorts at t-shirt. Hindi na ako nagabalang magayos pa. Bumaba ako para sa tanghalian. Nakakalungkot ang maupo sa mahabang lamesa na magisa. Mas lalo kung nararamdaman ang kahungkagan sa puso ko. I visualize him sitting on his usual spot. "Bakit po Senyorita?" N

