Chapter 44 Balisa na ako. Kahit anong mga pagpapatawa ni Saturn ay hindi ko na magawang makisabay sa kanila. I tried to calm down as much as possible. Kaya naman naging tahimik na lang ako. We went home nang bandang mga alas kwatro na ng hapon. Sinalubong kami ng mga katulong para kunin ang mga dala sa likod ng sasakyan. Nagtuloy-tuloy ako hanggang sa staircase. Nakasunod naman si Ikaros sa akin. Papasok na sana ako sa kwarto nang pigilan ako niya ako. "Sandali Vida." Nilingon ko siya. "May problema ba? You're silent." May pagaalala sa tono niya. Nagiinit ang sulok ng mga mata ko. I bit my lower lip to stop myself from crying. Nababaliw ka na Vida! Bakit ka ba naiiyak? I hugged him tight. I buried my face on his chest. Bahagya siyang nagulat sa pagyakap k

