Mali ang nararamdaman niya. Kaya pilit niyang sinupil ang unti-unting umuusbong na damdamin sa puso niya para kay Marko. “Kumain na tayo,” niyaya na lang niya itong kumain para mawaglit ang anumang gumugulo sa isipan niya. Inakay na niya ang anak niya bitbit ang mga pinamili nito para sa kanila. Nang biglang binuhat nito ang anak niya saka siya inakbayan papunta sa kusina na agad din niyang pinalis ang kamay nito sa balikat niya nang lumabas si Yaya Bining mula sa kusina. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagngiti ng matanda dahil sa nakitang pag-akbay ni Marko sa kanya na ikinakunot ng noo niya. “Wow! Ang sarap ng ulam natin, ah?” bulalas nito nang makita ang nakahandang pagkain sa mesa na umagaw sa atensyon niya dahilan para mapatingin siya rito. “Si Clarise ang nagluto niyan, h

