Kabanata 20

2033 Words
Maya’t maya na lang ang pag-check ni Irish sa kanyang e-mail. Madalas ay ang confirmation ng kanyang mga kliyente at growth ng kanyang investment sa stock market ang kanyang inaabangan. Ngayon nama’y simula nang pumasa siya sa mapanuring pamantayan ng Gigalo Council bilang ‘wife client’ ay ang e-mail naman nito ang kanyang pinakahihintay.  Limang araw na ang nakalipas simula nang mag-fill up siya ng checklist  para sa ideal niyang husbando. Ito kasi ang gagamiting batayan ni Facundo Yu, ang kanyang agent, upang pumili ng perpektong husbando para sa kanya.  Sa pagpili sa checklist ay naging inspirasyon ni Irish ang isang taong minsan ay nakita niya sa hotel. Masisisi ba siya kung tumatak kaagad sa isip niya ang lalaking iyon? Guwapo, maganda ang pangangatawan at higit sa lahat, ang lalaking iyon ang dahilan kaya hindi siya tuluyang nalunod, kaya hanggang ngayon ay nabubuhay pa siya. Kung may gugustuhin siyang makasama at paglalagakan ng tiwala ay ang lalaking katulad niyon. “Ang tagal-tagal naman. Sabi ni Fac, ngayon daw niya ise-send. Bakit wala pa rin?” Ilang beses na siyang nag-refresh ng kanyang sss ngunit talagang wala pa ring pumapasok na bagong mensahe. “Ano ba ‘yan. Napaka-excited ko naman,” nayayamot niyang bulong.  Upang libangin ang sarili, minabuti niyang basahin na lang muli ang kopya ng kontrata. Napapailing na lang siya sa halagang kanyang inilabas para lamang sa mahiwagang husbandong iyon. “I can’t believe I’ve spent twenty million for this. This amount is no joke, for God sake.” Nasapo niya ang kanyang noo. Mahirap ding kitain ang ganoong halaga. Mabuti na lang at may international branches na ang Love’s World Jewelry. Batid niyang mababawi rin ang perang iyon sa loob lamang ng ilang buwan. Sa baba ng kontrata ay napakunot ang noo niya habang binabasa ang parte ng mga ipinagbabawal. Siya ang tipong mataas ang self-control at pagpapahalaga sa rules kaya naman lumago ang kanyang negosyo. Kampante siyang walang malalabag sa mga kondisyones ng kontrata. The client shall not expose any information about RnJ Services to the public even after the contract ended. The client shall not fall in love with the husband. The client shall not make love with the husband, not even give in to the temptation of intimacy. The client shall not be impregnated by the husband. The client shall not dig the private or real life of the husband. The client shall not be a threat to the husband's life or shall not drag the husband into a life-risking situation. “I’m a professional. Hindi ako gagawa ng ikakasira ko para lang sa hired husband.” Taas-kilay niyang tinuran sa papel. Mayamaya’y tumunog ang notification ng kanyang e-mail. Biglang kumabog ang kanyang dibdib. Nariyan na ang kanyang inaabangan ngunit wari’y natitigilan siya. Marahil ay batid niya kasing malaki ang magiging epekto nito sa pagbabago ng kanyang buhay. Hindi naman kasi biro ang linlangin ang sariling pamilya at paniwalain silang siya’y lumagay na sa tahimik.  Binuksan ni Irish ang dokumentong Fac Yu at unti-unting lumalabas ang mga imposmasyon na kanyang kailangan. Wala siyang kakurap-kurap na tinititigan ang litrato ng top three na husbando na pinakatumugma sa kanyang panlasa. Naroon  din ang kumpletong detalye ng mga ito at ang kailangan na lang niyang gawin ay ang pumili ng kanyang final hired husband. Lahat ng mga lalaking kanyang pinagmamasdan ay hindi matatawaran ang kaanyuan. Perpekto ang mukha at tindig. Hitik din sa palamuti ang background ngunit sadyang napako sa isa ang atensyon ni Irish. Paano’y pamilyar ang hitsura nito sa kanya. Pagkakita pa lang sa mukha nito’y bumalik ang alaala niya sa gabing iyon kung saan sinagip nito ang kanyang buhay. “Kanye Gomez. Thirty-five. Full-time gamer and Chairman of Deverex Gaming Corp.” Napatakip siya ng bibig.  Siya ‘yon!  0o0 Tirik ang araw ngunit hindi ito iniinda ni Keith. Sabagay ay sanay naman siyang tumayo kahit sa ilalim ng katanghaliang tapat basta matapos ang trabaho sa site. Batid niyang hindi naman mandatory na siya mismo ang mag-supervise nito dahil may project engineer naman. Ngunit nais niyang makasiguro na walang oras at materyales ang masayang. Kakabawi pa lang niya dahil sa investment na in-inject ng RnJ. Hindi siya makapapayag na masayang ang kahit isang sentimong pinaghirapan niya. “Engineer, may tumatawag sa ‘yo,” anang assistant niya na si Oswald. May ilang araw pa lang siyang nagtatrabaho kay Keith. Payat siya at may nakaagapay na saklay sa kaliwang balikat. Bagaman salungat ang karamihan sa pagkaka-hire sa kanya, kinuha pa rin siya ng binatang engineer dahil hindi matatawaran ang performance niya.  Isa pa’y naaalala ni Keith ang sarili kay Oswald dahil minsan na rin siyang hinamak. Matapos uminom ng malamig na tubig sa kanyang bote ay humarap si Keith sa assistant. “Sino raw?” Lumingon muna sa paligid si Oswald. Nang sigurado siyang walang tao na malapit sa kanila’y pabulong siya na nagsalita. “From RnJ.” Agad na kinuha ni Keith ang cellphone. Nasa tainga na niya ito nang tapikin niya sa kanang balikat ang assistant. Mahigpit na bilin niya na kapag ito ang tumawag ay palihim siyang lapitan. Bawal din itong magbanggit sa iba na konektado siya sa kompanyang iyon. “Yes, hello.” Lumakad si Keith papunta sa kanyang sasakyan. Inaasahan din naman niya na kapag ito ang tumawag ay kailangan na niyang iwanan ang site.  “Hello, Mr. Kanye Gomez. This is El. I’d like to inform you that you are ready for deployment. The details about your client is sent to your email.” Nasa driver’s seat na si Keith nang matanggap ang mensahe. “O-okay, salamat sa abiso, El. Check ko na lang ngayon.” Matapos ibaba ang phone ay dali-dali niyang binuklat ang email. Pigil ang kanyang hininga habang hinihintay na ma-load ang impormasyon. Magkahalong pag-aalala at kaba ang umiikot sa kanyang dibdib. “Sana naman hindi ko katulad ni La Diva,” aniya habang nakapikit ang isang mata. Dahil sa ginawang pagsuway doon sa date nila ay nagawang i-extend ni La Diva ang kanilang oras. Ang isang araw ay naging isang linggo. Natapos lang ito noong isang gabi nang dumalo si La Diva sa party ni Johnny, ang letter J sa kompanyang RnJ.  Kung maaari lang na kalimutan ang alaala nito’y ginawa na niya. Sa bahay pa niya nag-stay ang babae at walang ginawa ito kundi mag-flirt. Rumarampa ito sa buong kabahayan na two-piece lang ang suot at walang humpay ang bibig sa kakakwento tungkol sa mga s*x experience nito. Hindi niya maaaring patulan si La Diva. Ngunit dahil sa lalaki din siya na may pakiramdam, pinapatay na lang niya ang init ng katawan sa pamamagitan ng malamig na paligo.  Makailang beses na binasa ni Keith ang pangalan ng bago niyang kliyente. Baka kasi namamalik-mata lang siya. Ngunit kahit ilang beses pa niyang buksan ang inbox ay ang pangalan ng dalaga ang nakangiting kumakaway sa kanya. “Irish Love Santiago. Twenty-nine. Founder of Love’s World Jewelry.” Nag-angat siya ng mukha at tagus-tagusan ang paningin sa windshield. “Imposible ‘to. Hindi kaya kapangalan lang niya?” Dahil sa curiosity ay nagngingitngit niyang binuksan ang Google at hinanap ang pangalan ng nasabing kompanya. Nasapo na lang niya ang kanyang batok nang makita ang mga larawan ni Irish. Ang Irish na ipinagkakasundo sa kanyan ng mga magulang nila, ang Irish na humuhusga sa kanyang panlabas na anyo noon, ang Irish na walang pagsisisi na iniligtas niya sa pool.  Ang Irish na nagkaroon na ng puwang sa kanyang puso sa kabila ng pagtrato nito sa kanya. “Bakit siya pa?!” Nahampas ni Keith ang steering wheel. Dahil dito’y napindot pa niya ang busina kaya napatalon ang mga construction worker na nakatambay sa may gate. Nagsitabi pa ang mga ito sa pag-aakalang dadaan ang sasakyan niya. “Patay tayo nito. Naloko na.” Bagama’t abot-langit ang pagsalungat ni Keith sa kliyenteng nakapili sa kanya, pinili pa rin niyang kitain ito sa lugar na nakasaad sa mensahe. Umuwi muna siya at metikulosong naligo. Isinuot niya ang isa sa mga paborito niyang button-down long sleeves kapareha ng makinis na trousers at leather shoes. Pagkatapos nito’y humarap siya sa salamin at sinuklay na pa-pushback ang buhok. Nagwisik siya ng pabango at tinitigan muna niya ang sarili bago lisanin ang salamin.  Napangiti siya. Tunay ngang napakalaki na ng pinagbago niya ngayon. Gayunman, batid niya sa sarili na siya pa rin ang dating Keith. Hindi lang siya sigurado kung nakikilala siya ni Irish. Malamang ay hindi. Kahit noong nagkita sila sa hotel ay wala itong clue tungkol sa kanya. “Pero ako pa rin ang pinili niya. Bakit kaya? Hindi ba, may boyfriend na siya?”  Umalis siya ng apartment na baon ang maraming katanungan tungkol sa dalaga. Makalipas ang isang oras ay narating na niya ang meeting place. “Love’s World Jewelry  office, Fourth floor, Mega City Plaza, Taguig,” bulong niya at isinuksok sa bulsa ang phone. Pamilyar siya sa gusaling ito dahl ang kompanya rin niya ang humawak sa pagpapatayo nito apat na taon na ang nakalipas.  Ilang sandali pa at natagpuan niya ang sariling pumapasok sa opisina ni Irish. Isang magandang babae na nakauniporme na kulay maroon ang sumalubong sa kanya. Hindi mawari ni Keith ang reaksyon nito pagkakita sa kanya. Para kasing natutulala ito habang abot-tainga ang pagngiti. “Hinahanap ko si Miss Irish Love.” “Um… s-sino po sila?” anang staff na hindi pa rin kumukurap. “Ako si Ke… Ako si Kanye. Kanye Gomez.” “Pia, let him in.” Ibinaba ni Keith ang shades at lumingon sa pinto na bumukas. Ilang segundo ring tumigil ang kanyang mundo nang masilayan si Irish. Neutral ang ekspresyon ng mukha nito ngunit hindi pa rin nagbabago ang kagandahan. Wari’y sa tuwing makikita niya ito’y lalong nadaragdagan ang natatanging karisma. Makislap pa rin ang mga mata nito. Ang mahabang buhok na kumukulot sa mga dulo ay senswal na naka-frame sa maliit na mukha nito. Ang suot na itim na blusa na pinapatungan ng puting coat ay nagpapakita na isa siya sa mga respetadong babae sa balat ng lupa. Wala pa ring emosyon ang mukha ni Irish nang lakihan niya ang awang ng pinto. “Mr. kanye Gomez, right? Please come on in.” Nang makapasok na si Keith sa opisina ay umupo siya sa sofa na itinuro ni Irish. Isang pahapyaw na tingin sa malawak na interior nito’y napapatango na siya. Hindi niya akalaing ang irish na kilala niya’y may ganitong klase ng pag-aari. Hindi man nais aminin nginit tila lalo siyang humanga sa dalaga. “What do you prefer, Kanye. Coffee? Tea? Or… wine?” “Coffee,” mabilis na tugon ni Keith. Kung siya ang masusunod, mas gusto  iyang tumira ng wine. Ang kaso’y wala siyang tiwala sa sarili. Sa lahat ng bagay ay ang alak ang no.1 na dapat niya munang iwasan.  Matapos kausapin sa extension line si Pia, umupo si Irish sa tabi ng binata. Tipid itong ngumiti.  “Um… I don’t know what to say first. Hello ba or thank you.” “Anong ibig mong sabihin?” “Hindi ba ikaw ‘yong Kanye na nagligtas sa ‘kin?” Mabagal na tumango si Keith. Tila may mainit na kamay na humaplos sa kanyang puso. “Naaalala mo pa pala?” “Oo naman. Kaya nga gusto ko uli magpasalamat sa ‘yo.” Napayuko si Irish. “At dahil din do’n, ikaw ang pinili ko para tulungan ako sa problema ko. I badly need someone to pose as my husband.” “Hindi ba boyfriend mo si Mr. Jared Thompson?”  Mariing umiling si Irish. “No. That will never happen. At ayoko ring hatakin pa siya rito. Lalo lang akong magdadagdag ng problema.” Lihim na napangiti si Keith. Ngayong nalaman niya na single pa rin ang dalaga, tila gusto niyang kunin ang kamay nito at ilapit sa kanyang mga labi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD