“Tigilan mo ako.” Ipinikit ni Keith ang mga mata. Ngunit napilitan siyang tumitig kay La Diva nang hawakan nito ang kanyang mukha.
“Look at me, darlin’...” Seryoso ang mukha ni La Diva at walang kasing lambing ang tinig. “Alam ko, nahihirapan ka na. So why are you still holding back? Yes, this is only a test for you but for me… for me being with you is one of the most memorable experiences of my life. Nakita kitang pumasok sa RnJ at kung paano ka nagbago. You are so different. You are so determined. Because of that you got my attention.”
“Bakit mo sinasabi sa akin ‘yan?”
“Dahil ‘yon ang totoo.”
“Bakit hindi mo na lang itigil ‘to. Wala kang mapapala sa ‘kin, ma’am. Dahil wala sa plano ko na pumatol sa kahit na sinong babae magmula nang magdesisyon akong sumugal sa RnJ.”
Tila sampal kay La Diva ang tinuran ni Keith. Hindi siya sanay na nare-reject ang ginagawa niyang pagseduce ng lalaki. Kung mangyayari man ito, gaganti siya.
Ikinubli niya ang nadaramang inis sa matamis na pagngiti. Kapag kumagat sa bitag ang lalaking bihag niya, tapos na ang lahat! “Just one kiss, darlin’. Kiss me and after that, I will let you go. Ano bang mahirap do’n?”
Bumaba ang mga labi ni Keith sa tila uhaw na mga labi ng dalaga. Totoo kaya ang sinabi niya? Kapag hinalikan ko siya, papayagan na niya akong umalis? Totoo kaya lahat ng mga papuri niya? O baka gusto lang niyang lumambot ang loob ko sa kanya? Gusto lang ba niyang makuha ang tiwala ko kahit ang totoo, nagsisinungaling siya?
“s**t…” Naramdaman niya ang pagkislot ng p*********i niya. Nai-imagine niyang sa sobrang tigas nito’y bumabakas na sa kanyang zipper kahit na nakatago pa ito sa kanyang underwear. Ramdam din niya ang pagliyab ng buong katawan dahil gumigiling ang dalaga sa ibabaw niya. Sabayan pa ito ng maingay na palabas sa TV. Walang humpay ang pag-ulos ng dalawang maskuladong lalaki sa babaeng tila lantang gulay na. Gayunman, walang patid ang pag-ungol.
“Kiss me, darlin’ ang everything is done. I promise.” Nangungusap ang mga mata ni La Diva. Aminado si Keith na ang babaeng ito ang may pinakamagandang pares ng mga mata na nakita niya; ang bluish-grey nitong mga mata ay nagpapaalala sa kanya ng kalmadong dagat sa beach na madalas niyang pasyalan.
“Isang halik at tapos na?” wala sa sariling tanong ni Keith.
Sinserong ngumiti si La Diva. “Yes. Just one deep kiss.”
Handa na sana itong ipagkaloob ni Keith. Naninigas ang mga panga niya nang ipikit ang mga mata at hawakan sa likod ang dalaga. Gayunman, bago magtama ang kanilang mga labi ay natigilan siya. Binitawan niya ito na tila biglang napaso.
Bakit parang kakaiba ang hiling niya? Parang may mali? “Lumayo ka.”
Lumukot ang mukha ni La Diva. “B-but why?”
“Niloloko mo ako. Gusto mong bumagsak ako para hindi ko makuha ang lisensya ko.”
Pilit na tumawa si La Diva. “What are you saying? I said you just need to kiss me and you’re out?”
“Papalabasin mo ako sa opisina mo. Hindi mo sinabing ipapasa mo ako. Tama ba?”
Unti-unting natunaw ang ngiti sa mukha ni La Diva. Gumapang ang masaganang pamumula sa kanyang leeg at mukha. Tumayo siya at pinulot ang kanyang mga damit. Pinatay na niya ang TV at matalim ang mga mata na humarap kay Keith.“At bakit mo naisip na ganyan ang gagawin ko?”
Ilang minuto lang ang nakararaan nang mapagtanto ni Keith ang pinagkaiba ng sinserong panunukso sa panlilinlang lamang. Ilang beses na ba siyang sineduce ni Winona noon hanggang sa magtalik sila? Ang totoo’y hindi na niya mabilang. Ang dating nobya niya ang gumagawa ng effort sa tuwing nais nitong mauwi sila sa kama.
Ngunit kay La Diva ay pawang synthetic lahat. Lahat ng ginagawa nito’y upang siya’y bumagsak.
“You are so fool, you know that?” asik ni La Diva at inubos ang iniinom na brandy. “What if I really wanna fvck you? You just missed your chance!”
“Kung totoo ‘yan, hindi mo na hinintay na ako ang unang humalik sa ‘yo.” Sinikap na pakalmahin ni Keith ang sarili nang siyang tumayo. Inayos niya ang nalukot na button-down longsleeves at lumapit kay La Diva. Sinalinan niya ng alak ang baso nito at masayang ininom. “Kung totoong gusto mong may mangyari sa ‘tin, dapat kanina mo pa binuksan ang zipper ko at pinaligaya ako kahit labag sa loob ko. Siguro naman alam mong walang lalaking makakatanggi kapag sinusubo na.”
“How dare you!” Lumipad ang kamay ni La Diva ngunit nasapo ito ni Keith.
“Bakit ka nagagalit sa akin? Sinikap ko lang naman na makapasa sa practical test mo, madam.”
Sasagot na sana si La Diva nang mag-ring ang kanyang cellphone. Halos durugin niya ito nang dinampot at itinapat na tainga. “Who the hell is this?!”
Ilang minutong natahimik ang dalaga habang nakikinig sa kabilang linya. Pagtango lang ang tinutugon niya. “Okay! Okay! I got that, bye!” Maingay siyang nag buntong-hininga. Muli siyang tumuon kay Keith. Sa pagkakataong ito’y mas mahinahon na. “Go to the council’s office tomorrow if you want to claim your licence.”
Napaawang ang bibig ni Keith. “I-ibig sabihin, ganap na akong husbando?”
“Yes, so get the hell out of my office.”
Hindi batid ni Keith kung pasasalamatan ang kaharap. Lahat ng inis niya’y tila naglaho nang malaman na nakapasa siya sa buwis-buhay na pagsubok. Aminado siyang hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang kanyang dugo. Hindi na siya magtataka kung bago matulog ay magkukulong muna siya nang matagal sa banyo upang ilabas ang init ng katawan.
Lumakad siya papunta sa pinto. Ngunit nang hawak na niya ang doorknob ay tinawag siyang muli ni La Diva.
“Huwag ka munang magsaya, darlin’. Magkikita pa rin tayo dahil meron pang Adonis Gala!”
Lumingon siya rito. “At ano na naman ‘yon?”
Ngumisi si La Diva. “You signed for that event during the seduction class, right? Kaya bago ka ma-deploy, kasama ka sa husbandos na ibi-bid sa mga kliyente.”