Hindi ko na alam kung ano ang nangyari basta ako nag focus lang sa sarili ko, sinigurado ko na ligtas ang mga mahal ko sa buhay. Kung dati patamad tamad ako sa training, ngayon ay mas seryoso ako, nagdaan ang birthday ni Luna at nag inuman pa kami pero pagkatapos noon ay nawala na ako. Bukod sa training, may online class dun ako na pinapasukan, halos apat hanggang limang oras lang ang tulog ko araw-araw. Handa na din ang flight ko patungo sa ibang bansa. Gusto ko mawala ng biglaan dahil baka kapag nakita ko sila ay hindi ko na gustohin pang umalis. Malakas loob ko sa ibang bagay pero kahinaan ko ang mga mahal ko sa buhay. Katatapos ko lang maligo at hinaplos ko ang tattoo sa aking leeg, kahapon ang ritual, kung titingnan ay letter C na malaki, pero kapag pinatay ang ilaw, makikita ang tuna

