" Kamusta Mari? " " Putang*na Dave! Nabubugnot na ako dito, gusto ko ng umuwi. Kapag ako natorete pagbabarilin ko mga tao mo o kaya gilitan ko ng leeg. " " Hindi nga pwede Mari, baka dumugo mga sugat mo. H'wag matigas ang ulo dahil ako ang mapapagalitan ni Luna kapag nalaman na hindi kita inasikaso. " Hindi na ako umimik at napahagolgol ako ng iyak. Labis ang pag-aalala ko para sa aking kaibigan. Namatay ang aking mga kinikilalang magulang pero hindi ako umiyak ng ganito, ngayon kasi iba. Alam ko na hindi normal ang pag-iisip ni Axel, ibang tao ang nakita ko noong gabi na naglaban kami. " H'wag magpapakita sa akin ang putang*na na Axel na 'yon dahil gigilitan ko siya ng lalamunan. " Sabi ko sabay punas ng aking luha, tumayo ako at tinungo ang banyo para maghilamos. Naiiyak ako sa pag

