Maria Ysabelle (POV) Planado ang lahat at masaya ako sa kinalabasan. Pero hindi ko inaasahan na may kulungan pala si dragon ball-z na kastilyo, magkaibigan nga sila ni Dave, pareho ng trip sa buhay ang dalawang 'to. Nakatingin ako ngayon sa haring araw na papasikat pa lang. Tiningala ko ang langit na hangganan ng paningin ng tao. Ang ganda ng ulap, parang sumasayaw sila, sinamyo ko ang sariwang hangin, kailan ba ako huling nag bakasyon?, hindi ko na matandaan. Kung pwede lang sana, dito na lang ako. Pero hindi e, may mga kapatid pa ako na kailangan ako. Naramdaman ko ang lamig dahil sa mahambog pa, ang lamig ng hangin sa balat. Kaya't hinaplos ko ang aking balikat at braso. Pero napapikit ako ng maramdaman ko ang init ng katawan na yumakap sa akin. Napapikit ako, si dragon ball-z ito. "

