Kaagad na inilista ko sa notes ng aking cellphone ang address ng bahay nila Keaven. Akala siguro ng lalaki na 'yon madali ako sumuko. Doon s'ya nagkakamali, buo ang loob ng isang Alcaide at hindi basta basta nagpapagulat. Nag bihis ako ng damit na pormal, kulay pink na damit na hakab sa aking katawan. Turtle neck at bukas ang likod. Isinuot ko lahat ng alahas na maganda sa palagay ko, mga regalo na natanggap ko mula sa aking Papa, mga Kuya at pamana daw ni Tita Mommy sa akin. Nude lipstick at no makeup look. Kailangan ay pormal ang drama. Hawak ko ang kaheta na naglalaman ng isang pares ng singsing sa aking mga kamay. Natawa ako sa aking naisip, kapag hindi ako nagtagumpay. Pasasabugin ko na lang ang bahay nila. Itinaas ko ng tali ang aking buhok na nakakadagdag sa mamahalin na itsura ko n

