Nasa tapat ako ngayon ng malaking bahay, dito sa kabilang Sitio sa San Nicolas. Nahihirapan akong hanapin ang address na ibinigay ni Jab dahil wala naman palang dumadaan at pumapasok na tricycle dito, malawak ang bakuran na masasabi ko na Mansion ito at hindi bahay lang. Naupo ako sa plant box at tinawagan si Jab. Mabuti na lang at sanay ako sa takbuhan kaya slight lang ako hiningal sa paglalakad. Nakita ko na papalapit na si Jab kaya kumaway ako. Napaka seryoso ng mukha ng lalaking 'to, mahirap biruin. " Pasok tayo sa loob Madam. " " Mari na lang pwede ba?, ayaw ko tawagin na madam parang nakakatanda. " Tumango naman ang lalaki at naglakad na kami papasok, naabutan namin ang isang matandang lalaki na na nakaupo sa sofa at naka de kwatro. " My Princess! Halika dito anak. " Sabi ng m

