" Tao po! Magandang hapon madam, baka gusto mo na magpalaba?, kahit magkano lang po ay okay na sa akin. "
Sabi ko sa babae na mukhang kasambahay din naman.
" Teka lang tatanungin ko lang ang amo ko, magpapa laundry daw kasi siya eh baka pwede na ikaw na lang. Halika pasok ka dito sa loob. "
Sumunod ako sa babae at sabay kami na naglalakad patungo sa kanilang sala. Ikang sandali lang ay bumaba na ito at may dala na limang daang piso.
" Oh heto bayad sa'yo. Wala naman dumi ang mga damit ni Sir, mga dala lang niya galing ibang bansa. Tara dito sa likod, tuturo ko sa'yo saan maglalaba. "
Sabi ng babae at gi aya nga ako patungo sa labas, pagbalik niya ay may dala ng dalawa na laundry basket at laman ang mga damit na mukhang pang opisina at t-shirts. Mukhang wala nga naman dumi, pawis lang ang aalisin, curious na inamoy ko ang damit, at mabango nga!
" Ako si Suzanne ikaw anong pangalan mo? "
Tanong ng babae na mukhang may pagka sesmosa.
" Maria "
Matipid na sagot ko sa babae haba g hinahanda ang aking palanggana na paglalabahan. Pagbuklat ko ng mga damit ay ilang piraso lang pala ito, mabuti pa dito limang daan, doon sa isa noong nakaraan ay dalawang daan, halos hindi na ako makalakad sa pagod.
" Sige iwanan na kita diyan Mari ha?, magluluto na ako at baka gutom na ang amo ko. "
Umalis ang babae at nagsimula na akong imekus-mekus ang mga damit. Ilang piraso lang ang damit tapos isang tambak ang brief?, talo pa ang babae na nireregla. Dahil sa likas ako na mausisa ay tiningnan ko ang paligid at pasimple ko na inamoy ang isang brief, ang bango naman! Sana all na lang. Sana ganito ang amoy ng magiging asawa ko para hindi nakaladiri na luhuran lahit maya't-maya. Natatawa ako sa aking kalokohan at mapapa sana ll Michelle na lang talaga ako. Sinimulan ko na ngang kusotin ang mga damit at mabilis naman ako natapos dahil nga wala namang dumi, feeling ko nga ay hindi din pinapawisan ang nag suot.
" Mari heto dinalhan kita ng merienda. "
" Pwede ba Suzanne na ibalot ko na lang?, take-out?, gagabihin ako ng sobra sa daan eh, walang kasama mga kapatid ko sa bahay. "
" Ay uo! Sige at ibabalot ko na ng makauwi ka na, teka tapos ka na ba? "
" Tapos na, wala namang dumi ang damit. "
" Oo kasi sa opisina lang yan, tapos aircon pa. "
Tumango ako sa babae at sumunod. Nakita ko na ibinalot nito ang dalawang makapal na sandwich at pansit, ibanot ko naman ang baso ng juice at ininom ko ng isang lagukan.
" Alis na ako Suzanne, salamat! "
" Sige, nextime daan ka ulit dito. "
Masaya ako na naglalakad patungo sa sakayan ng tricycle. Bumili ako sa daan ng limang kilong bigas, dalawang tuna, dalawang twin pack na kape, apat na noodles at tatlong piraso ng mansanas. Ubos ang limang daan pero masaya naman ako. Ang mahalaga aabot ng isang linggo ang aming bigas, ang ulam ay bahala na. Sumakay nga ako ng tricycle at mabilis akong bumaba pag tapat sa aming bahay.
Pagpasok ko sa loob ay nakahain na ng pagkain si Mar, sakto ang dating ko. Nagluto ito ng itlog na may maraming kamatis.
" Sarap niyang itlog mo ah! Saan galing yan? "
" Bumili lang ako ng apat na itlog ate at nanghingi kami ng kamatis kila ate Luna. Binigyan pa nga ako ng anim na longganisa ni Mang Isko eh tapos ito maraming talong! Nag ani daw sila kanina, sabi pala ni ate Luna kapag wala daw tayong ulam pwede daw pumasyal sa bakuran nila, kung ano ang tanim doon ay pwede namin kunin ang bunga basta h'wag lang hihilahin kasi mamatay ang puno, guntingin daw o yung cutter ang gamitin. "
Mahaba na kwento ni Mar, isip bata pa talaga ito at bata pa talaga! Siguro ay nabuyo lang siya at napilon kaya minukbang ang anak ni Mayor. Magandang lalaki din kasi itong kapatid ko at namumula ang balat lalo kapag nababantad sa araw. Limang talampakan na at walo ang taas nito, kasing taas ko na pero bata pa. Bagong tuli lang nga nito noong nakaraang taon bago mawala sila Nanay tapos nagamit na kaagad.
" Ate magpahinga ka na, ako na bahala dito. Ang dami mo palang dala ah. "
" Oo hugasan mo ang mansanan tig iisa tayo, kumita ako limang daan sa laba kanina. Swerte nga kasi konti lang at wala namang dumi kaya natapos ko kaagad. May sandwich pa diyan at pansit. Ilagay mo na muna sa ref para bukas initin na lang natin para may pang almusal na tayo. "
" Salamat ate ha?, kasi hindi mo kami pinabayaan. Balang araw makakabawi din ako sa'yo. "
" Paano eh nang bababae ka na nga kaagad? "
" Ate naman! Iniwasan ko na nga eh, kahit iniiyakan ako. Pagkatapos ko daw anohin iiwan ko na siya. Sabi ko kung kami para sa isa't-isa eh kami talaga. Mukhang nasarapan kasi ate."
Sinapok ko ito ng malakas!
" Aray ate! Ang sadista mo, kumakain tayo eh. "
" Ang bastos mo kasi! Gagong 'to! Kala mo walang kapatid na babae kung makapagsalita. Ikaw umayos ka ha?, kung ano man ang mamagitan sa inyo ng anak ni Mayor itikom mo ang bibig mo, dahil masama ang kiss and tell. "
" Alam ko naman 'yon ate, hindi naman ako gago. "
" Dapat lang! "
Pagkatapos namin kumain ay nilinisan ko ng katawan si Nene at binihisan. Ako naman ay mabilis na naligo pagkatapos ay nagpahid na ng mantika sa aking katawan.
" Ate! Anong oras ka ba lilipad?, amoy na amoy dito ang efficascent oil mo. "
Hindi ko pinansin ang aking kapatid at ipinikit ko na ang aking mga mata. Pagpasok ng aking kamay sa loob ng aking panty doon ko lang na realized na may gubat na pala ako sa loob ng aking panloob. Napapailing ako na kinamot ang aking p********e. Mabuti noong nakita ito ni Jab ay konti pa lang ang tubo ng buhok. Nasaan na kaya ang lalaki na 'yon?, kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.