" Doc, kamusta na po ang lagay ng kapatid ko? " " Nagiging maayos na, pero sana mailipat mo ng probado na silid dahil uso ngayon ang ubo dala ng panahon, ang katabi niyang kama ay pneumonia ang sakit, mas makabubuti na ilayo siya sa maaring maging komplikasyon. " Tumango ako sa doktor at nagpasalamat, plano ko sanang hindi galawin ang cheke dahil ayaw ko na mahanap ako ng lalaki, kaso wala akong pagpipilian. " Ate, umuwi ka muna, ako na ang bahala dito. " " Paano ka Mar?, wala ka din tulog na matino. " " Okay lang ako ate, ikaw ang kailangan magpahinga dahil mukhang may dinaramdam ka. " " Sige, uuwi muna ako, mamaya ko aasikasuhin ang paglipat ni Nene ng silid. Hindi ko talaga kaya na hindi ito ihiga. " Lumabas ako ng hospital na talo ko pa si Maria Clara sa hinhin ng paglalakad. P

