Virgo’s Pov NAKATINGIN ako sa harap ng malaking salamin habang pinagmamasdan ang ginawa kong make up sa sarili ko. Nakasuot ako ng simpleng dress pero syempre may baon akong damit. Mamaya ko nalang isu-suot kapag nasa loob ako ng kotse ni kuya Archer. Nang medyo okay na sa ‘kin ang make up ko ay agad akong lumabas ng kwarto dala ang paper bag at sling bag. Nasa paper bag kasi ang dress na dala ko para pampalit ko mamaya. Naglakad na agad ako papunta sa hagdan at agad nakita si kuya Archer na hinihintay ako. Nakasimangot pa talaga siya kaya mahina akong natawa. Nagpacute agad ako sakanya ng tuluyan akong nakababa sa hagdan. “Tara na po, kuya Archer.” Sabi ko ng makalapit ako. Hindi naman siya sumagot at agad na naglakad. Nauna pa talaga siyang naglakad sa ‘kin at hindi ako pinansin.

