Violet’s Pov ARAW-ARAW ay palala ng palala talaga ang inis ko sa lalaking kapitbahay ko. Kung ano-ano nalang ginagawa para talaga inisin ako. Hindi ko alam kung bakit trip niya talaga ko inisin. Katulad nalang ngayon, yung mga sinampay ko sa labas ng bahay ko ay may kulang. Alam kong kulang dahil anim na piraso lang ang isinampay ko. Pero kulang ng isa at panty ko pa talaga ang nawala. Hindi ko alam kung bakit nawala n’ong una. Panay pa ang hanap ko sa bakuran ko at baka nilipad lang ng hangin pero wala talaga. Ngunit alam ko na sinampay ko talaga yun dahil kung sa banyo ko isasampay ay baka mag amoy kulob lang. Ngunit umakyat yata ang dugo ko papunta sa ulo ng makita ko ang lalaking kapitbahay ko na nakasuot sa ulo niya ang itim ko na panty. May hawak pa talaga siyang bolo na parang

