Violet’s Pov NAKATAMBAY lang kami sa dalampasigan ni Diego at tahimik na pinapanood ang dagat. Hapon na din naman kaya ang sarap tumambay. Kung pwede nga lang ay dito nalang ako tumira habang buhay. Tahimik lang, talagang makaka relax ako araw-araw. Ngayon ko lang naman kasi nalaman na may beach house pala si Diego. Dapat sinabi niya sa ‘kin nong una pa para hindi na ako na stress sa pagmumukha niya. Naramdaman ko ang kamay ni Diego na hinawakan ang kamay ko. Lumingon ako sakanya at ngumiti. “Ang ganda dito. Ang sarap manirahan sa tabi ng dagat.” Saad ko saka tumingin sa karagatan. “Dati, palagi akong tumatambay dito lalo na kapag pagod ako galing sa duty. Ito ang pahinga ko. Pero ngayon, ikaw na ang pahinga ko, Violet.” Saad niya kaya napangiti ako. “Pinapakilig mo ba ako?” Tanong k

