Violet’s Pov WALA akong pasok ngayong gabi dahil hindi ko kinaya ang sakit ng tiyan ko. Nag text lang ako sa kasama ko na hindi ako makakapasok. One week kasi ang nakalipas simula ng makalipat na ako sa nabili kong bahay. Lumipat na ako kahit pa nga wala pa akong masyadong gamit sa bahay. Unti-unti ko kasing pinag iipunan para hindi ako mabigla kapag bibili na ako. Masaya naman ako na nakalipat na ako, tahimik ang buhay sa umaga at sa gabi naman ay pasok ng work parin. Kailangan kumayod dahil maraming bayarin. Kaya kahit tamad ang isang tao kapag may naisip ang mga bayarin ay gaganahan talaga mag trabaho. Mabuti nga at binigyan ako ng may ari ng mga tanim na pwede kong itanim sa bakuran. Kaya kapag umaga galing ko sa trabaho ay naglilinis ako sa harap ng bahay namin. Kaya malinis na

