Violet’s Pov TAHIMIK akong nakaupo at nakasandal ang likod ko sa pinto. Kanina pa ako dito sa labas at hindi makapasok dahil sa pisteng si Diego. Hindi tuloy ako makapasok sa loob ng bahay ko. Antok na antok pa naman na ako at gusto ko ng mahiga sa kama. Napasabunot nalang ako sa buhok ko sa inis na nararamdaman ko. Grabeng ka malasan na talaga ang sinapit ko kay Diego. Kailan kaya siya aalis ng matahimik na ang buhay ko. Hindi ko na talaga kaya ang antok kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko at hinayaan ang sarili na hilain ng antok. Ngunit, naalimpungatan ako ng may bumuhat sa ‘kin. Agad kong idinalat ang mga mata ko at nakita ang mukha ni Diego. Tumingin ako sakanya at agad siyang sinampal sa pisngi. Napahinto siya sa paglalakad at tumingin sa ‘kin. Bakas sa mukha niya ang gula

