Violet’s Pov NAKAUPO ako sa gilid habang nagpapahinga sa kakalakad habang dala ang mga order nilang alak. Kanina pa ako panay ang lakad at nagugutom na din ako. Kaya napagpasyahan ko muna mag break kahit saglit hindi para kumain pero umupo at magpahinga. Nakakapagod talaga mag trabaho. Kung bakit naman kasi hindi ako nasali sa isa sa mga anak ng mayaman sa mundo eh, napunta pa ako sa walang pera at bukaka lang ng bukaka tapos iniwan pa sa kalsada. Ang malas ko talagang nilalang. Habang nakaupo ako ay busy naman ang mga kasama ko sa pagkuha ng mga order ng mga customer. Bahala muna sila basta ako pahinga muna saglit. Napatingin ako sa maliit na stage na nasa harap ng mga customer at pinanood ang babaeng sumasayaw sa gitna ng stage. Kaloka naman kasi ang boss namin dahil ginaya ang kabil

