“Ma’am Dianne, ilang taon na ba si Sir Lucas?” tanong ko habang paika-ika akong naglakad pabalik sa kama ko. Kung gusto kong kilalanin si Lucas, sa kanya ko itatanong dahil sigurado akong marami siyang alam tungkol sa boss niya. Lumapit siya sa ‘kin at inalalayan niya ‘kong maglakad hanggang sa makaupo uli ako sa kama. “He’s thirty two. And please, huwag mo na ‘kong tawagin na ma’am. Just call me Dianne. Hindi mo naman ako boss.” “Okay po.” “Huwag mo na rin akong i-po. Hindi pa naman ako gano’n katanda. I’m just twenty eight,” sabi niya at naglakad siya pabalik sa sofa at saka naupo. “Eighteen naman ako.” “Eighteen years old?” tanong niya habang nakataas ang mga kilay niya at nakatingin sa mukha ko. “Bakit?” “Wala naman,” sagot niya habang umiiling. “Akala ko you’re in your twenties

