Blurb

207 Words
Lumuwas ng Maynila si Kristine upang makipagsapalaran at makahanap ng trabaho upang makatulong sa mga gastusin at sa pag-aaral ng mga nakakabatang kapatid at maalalayan ang mga magulang sa pinansyal na responsibilidad. Ngunit sa paglilibot niya sa siyudad para mag-apply ng trabaho ay biglang may tumigil na puting van sa harapan niya at agad siyang pinalibutan ng mga lalaki. May kung anong tumama sa batok niya na naging dahilan para mawalan siya ng malay.Pagkagising niya ay nasa loob na siya ng isang engrandeng kwarto at nakasuot ng wedding gown. Kasama niya ang iilang mga tao na siyang nag-aayos sa kanya. Nang tanungin niya ito kung ano ang nangyayari ay nagulantang siya sa nalaman—ikakasal na siya! Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Gulong-gulo na siya. Ang huling alaala niya ay naghahanap lamang siya ng trabaho. Kaya paano humantong sa ganito ang lahat? At mas lalo pa siyang naguluhan nang pumasok ang isang lalaking nag-uumapaw sa kakisigan at kaguwapuhan na nagpakilala bilang groom niya, si Uriel Von Muller, isang bachelor billionaire. Napakunot na lang ang noo ni Kristine. Wala siyang kahit na anong ideya sa kung ano ang nangyayari. Ngunit may isang bagay lang na malinaw sa kanya—she just became the billionaire's instant bride!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD