Chapter 2
Vanessa
"Woooohhh..." Sigaw ko
"This is life! " dugtong ko pa, sabay tungga ng beer na hawak ko. dirediretso ko itong ininom na parang tubig lang. Hindi ko na ininda ang pait nitong lasa na nanunuot sa dila ko. Well! mas bitter pa diyan ang buhay ko!...
Nakabukas ang itaas ng kotse niya, kaya malayang humahampas ang malamig na hangin sa katawan ko. Idagdag pa na nakasuot lang siya ng spaghetti strap na dress, na one inch above the knee ang haba. Muli kong tinunga ang bote, Ngunit agad napasimangot nang wala na pala itong laman. Agad kong binitawan ang walang lamang bote at inabot ang panibagong beer na nasa likurang parte ng sasakyan nito.
Wala na akong pakialam kung masilipan man ako ng mokong na to. Dahil sa pagdukwang ko, alam kong nakikita na nito ang suot kong panty. Pagkatapos buksan ay diretso ko uli itong ininom. Gumuhit ang init nito sa aking lalamunan at nanuot ang kakaibang lasa sa aking dila.
Bakit masarap parin kahit may pait?tanong ng utak ko.
"Wooooh!.. Ang pait parang life!" sigaw ko ulit. Nakita ko ang pag iling nito, Ngunit nanatili lang seryoso ang mukha habang nagmamaneho.
Pasimple kong pinagmasdan ang mukha nito. Magmula sa kanyang kilay, papunta sa knyang mata na tama lang ang laki at pagkasingkit. Pababa sa matangos nitong ilong at mapulang labi na para bang nakakaakit halikan. Ano kayang feeling?... s**t! mura ko sa sarili, lasing na yata ako. Nakakaapat palang ako eh! ani ko sa sarili. Mataas ang tolerance ko sa alak kaya alam kong hindi pa ako lasing. Ngunit ramdam ko na ang paggapang ng init sa katawan ko, na tama lang para maibsan ang lamig na dala ng malakas na hangin. Pinagpatuloy ko pa ang palihim na pagmamasid sa kabuoan nito. Mula sa kanyang mukha ay napunta ang paningin ko sa kanyang katawan. Na kahit natatakpan ng suot nitong polo shirt ay bakat parin ang magandang hubog nito. Napadako naman ang tingin ko sa pagitan ng kanyang hita.
Shit! mura ko ulit sa sarili, ang pasaway na utak ko kung saan saan na nakakarating.
Pero,dacks kaya? pilyong tanong nanaman ng utak ko. Iniling iling ko nalamang ang aking ulo para mawaglit sa isip ang malaswang bagay na yon. Letse! talaga naman!
Iniiwas ko nalamang ang paningin sa gawi nito at tahimik nalang na itinuloy ang paginom. Nang makaramdam ako ng kunting hilo ay bahagya kong isinandal ko ang aking ulo sa headboard ng upuan, at ipinikit ang mata. I ca'nt believe na sumama ako sa estranghero na'to ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Nang inalok niya ako kanina na sumakay ay walang pagaalinlangan akong sumama dito. Ni hindi na ako nagisip kung tama ba na sumama dito.Basta ang gusto ko lang ay makalayo muna sa lugar na yon. Nakiusap pa ako na dumaan muna kami sa isang convience store, na sinunod naman nito. Kailangan ko ng pangparelax at ang alcohol ang stress reliever ko. Ito ang lagi kong kasama sa tuwing inaatake ako ng lungkot, problema at pagod. I rather chose to be with alcohol kesa ang makipagplastikan sa mga taong wala namang inambag sa buhay ko.
"Stop drinking... Your already drunk." Narinig kong saway nito, Nang lingunin ko siya ay nakatuon parin ang paningin niya sa unahan habang seryoso parin ang guhit ng mukha.
Bakit ba napakadamot ng lalaking ito ngumiti? akala mo laging pasan ang mundo. Laging seryoso at kunot ang noo, sayang ang gwapo pa naman.
"Ganyan ka ba talaga, napakadamot mo naman ngumiti." Ani ko dito
Narinig ko ang pagbumuntong hininga nito at binagalan ang pagdrive, pagkatapos ay mabilis na bumaling sa akin. "May bayad ang ngiti ko." seryosong saad nito at ibinalik ulit ang tingin sa unahan. Napatawa naman ako ng malakas.
"Magkano ba? I pay you." Sagot ko
"Sigurado ka?" balik tanong nito.
Bigla naman nawala ang ngiti sa labi ko, bakit milyon ba ang hihingiin niyang bayad para sa isang ngiti niya? Grabe ha!
"bakit? anong tingin mo sakin poor?" balik tanong ko rin sa kanya, habang nakaangat pa ang mga kilay. Nagpailing iling ito na parang hindi naniniwala sa akin.
Tsk! tingin ba niya sakin walang pera? Saad ko sa isip.
"Eh kung sabihin kong sarili mo ang gusto kong pangbayad... Kaya mo?" saad nito. Ganon nalamang ang pagbasak ng panga ko,na umabot pa yata hanggang sahig ng kotse niya. Bwesit!.. lihim na mura ko.
"Ano ba yang ngiti mo ginto? at virginity ko pa talaga ang ipangbabayad ko ha!" Inis na sabi ko dito. Simpleng manyak din ang lokong 'to ah! ani ng isip ko. Tumingin ito sa gawi ko na parang hindi makapaniwa sa narinig nito. Aba at mukha na ba akong laspag?
Sinamaan ko naman siya ng tingin, na ikinatawa nito. Bigla akong natigilan, sa ilang oras namin na magkasama ay ngayon ko lang narinig ang tawa niya. Pakiramdam ko ay ten times na nadagdagan ang gandang lalaki nito.
Nagmukha pa siyang nagliliwanag na anghel sa paningin ko. Mas bagay pala sa kanya ang nakangiti pero bakit pinagdadamot niya.
"Im just kidding." Pagkuway ay saad nito. Mariin ko naman itong tiningnan waring binabasa ko kung seryoso ba ito sa mga pinagsasabi niya. Pagkuway ay iniwas ulit ang paningin at tahimik nalamang na itinuloy ang paginom.Yong kaninang kadaldalan ko ay bigla nawala, na animo'y may dumaan na anghel sa aming pagitan. Ibinaling ko na lang ang paningin sa kabilang side at inabala ang mata sa pagtanaw sa paligid. Maang akong napatingin sa kanya nang pumasok ang sasakyan nito sa isang malaking gate. Nasaan na kaya kami?tanong ng utak ko. Napaawang ang labi ko nang matanaw ang malawak na dagat. May natanaw akong iilang taong naroon na abala sa paliligo. Nagpatuloy ito sa pagdrive, nang huminto ito ay pinagmasdan ko ang paligid. Medyo madilim sa parteng ito at walang ibang tao. God! hindi naman siguro niya totohanin ang sinabi niya kanina noh? Ani ng isip ko. Inilabas nito ang celphone niya at may kung anong kinalikot doon. Lihim ko nalamang pinanonood ang kilos nito. Maya maya lang ay may apat na taong dumating at agad siyang bumaba sa sasakyan para salubongin ang mga ito. Mga staff siguro ito ng resort kung titingnan sa pare pareho nilang suot. Nanatili lang ako sa loob ng kotse nito habang pinanonood ang ginagawa nila. Yong dalawa ay nagset ng malaking tent at ang isa naman ay naggawa ng bonfire.Samantalang ang isa at naglatag ng malaking mat at inayos ang mga dalang pagkain.
shit!ano ito? hindi ko maiwasang makadama ng saya. First time na may naggawa ng ganitong bagay sa akin.
Lumapit ito sa akin at inalalayan akong makababa. God!is this real?
tanong ko pa sa sarili. Nang matapos magset up ang mga staff ay agad din silang nagpaalam. Kinuha niya ang kamay ko at iginiya ako paupo sa nakalatag na mat na puno ng pagkain."Eat well, and I will eat you later.." Pilyong turan nito kaya maang akong napalingon sa kanya. Tumawa naman ito ng malakas na lalong ikinahulog ng panga ko. Pangalawang beses na ito, magpaparty na ba ako at dalawang beses ko na siyang nakitang tumawa.
"Im just kidding, eat food sweetheart, alcohol is not good for your health."
Ani nito. Para namang biglang may kaba na pumuno sa dibdib ko, kaba na hindi naman natatakot. kakaiba,na parang ngayon ko lang ito naramdaman. kahit kay Allen ay hindi ko ito naranasan. God! ano bang ginagawa sakin ng lalaking ito? May dinampot itong makapal na robe at ibinalot sa akin. Nanigas naman ako sa kinauupuan na hindi ko maikilos ang katawan.
."You should'nt wear that kind of clothes" ani pa nito..
Nakaawang ang mga labi nalamang akong napatingin sa kanya.
Pati fashion ko pinakikialaman narin niya, hindi ko pa ito jowa kung makapagbawal wagas!