chapter 5
Pinaandar ko ito at hiabrurot pa puntang hospital. Saglit ko lang binyahe ang hospital nito dala na din ng nakamotor ako ay pwede kung e siksik ito sa maliliit na space ng kalsada. Pinarada ko ang motor ko sa paradahan ng hospital. At bumaba ako bitbit ang helmet na ginamit ko at bag na may lamang pagkain. Sumakay ako ng elevator pa akyat sa 5th floor ng hoapital kung saan ang kinaroroonan ng kawarto ng batang naipit sa inkwentro kanina.
Naabotan ko sina mae at ruel sa labas ng pinto. Inabot ko dito ang dala kong helmet at derstong pumasok sa kwarto ng bata . Napasokan kong andon ang doctor sa tabi ng kama nito. Agad naman itong tumayo at ngumiti sakin.
“good evening miss. Sungit. “ bati nitong may nakakalukong ngiti sa mga labi.
Hindi ko itp binalingan at dumertso ako sa lamesita sa harap ng couch na andodoon.
“paumanhin po doctor kong tapos ka na pong suriin ang iyong pasyente ay pwde na po kayong makakalabas! “ asik ko dito na hindi manlang tinatapuann ng tingin ito.
“Ang sungit mo naman miss sungit, sigoroy crush mo ako!” Mayabang pa nitong sambit.
Tinignan ko ito ng masama ngumit nakangiti parin ito. Hindi man lang natinag sa mga titig ko.
“Babye ni abe e checheck nalang kita mamaya ah! At gulo ang buhok ng pasyente nito. “paalam na po miss sungit! “ sabay pang ngumita ito.
“Bastos!” nilakas ko ang boses ng marinig nito ang boses ko.
Sumara na ang pinto at lunait ako sa higaan ng bata. Umupo ako sa kinanay inuupuan ng doctor. Tumingin ako dito na taimtim din nakatitig sakin.
“Kamusta na yng kamay mo? “ tanong ko dito
“O-okay na man po maam! “ sabi namn nito. “ah maam., Marami pong salamat sa pagligtas sa akin. “ dugtong pa nito.
“anong ginagawa doon sa may ngbabarilan kanina? At saan ang mga magulang mo? “ sunod kong tanong dito.
“w-wala na po akong magulang, napadaan lang po ako sa lugar na yun ng may nababarilan nagtago po ako sa likod ng drum ngunit natamaan po ako ng ligaw na bala! “ pahayag nito.
“wala ka bang kamag anak dito ng maihated kita! At ang mga batang katulad mo ay ng aaral hindi ngpapabaloy sa lansangan! “ matigas kung sagot dito.
“Wala din po! “ Malungkot na sahot nito.
“ehahatid nalng kita sa dswd ng may mag alaga sayo! “ sabi ko dito
“maam, wag niyo po akong ibibigay doon! “ pagmamakaawa nito “sa inyo nalang po ako. Magkakatulong nalng o ako sa inyo! “ dugtong nito.
“masyado kang bata para maging katulong ko!sakit lang ng ulo maibibigay mo sakin!”
“Hindi po maam,magpapakabait po ako. Pramise po.wag niyo lang po akong ibibigay sa dswd.”
“Ang bata bata mo pa, ayoko sayo!” Matigas kong sabi dito.
Hindi na ito sumagot nakayuko lang ito at iingos pa. Lihim itong umiiyak.
Tumayo ako at kinuha ko ang pag kain. “kumain ka na ba?” tanong ko dito.
“Opo, maam.” Sagot nito.
“kumain ka ulit!” nilapag ko ang try sa kama niya.