Palipat lipat ang tingin ko kina Papa at Mama. Matapos nila akong yakapin ng mahigpit nakatitig na lamang sila sa akin na para bang ako ay hindi totoo. Pakiramdam ko kinakabisa nila ang detalye ng aking mukha. Hawak nilang pareho ang aking kamay. Walang humpay ang pagtulo ng luha ni Mama habang nakatitig siya sa akin habang si Papa naman panay ang haplos sa aking mga kamay. "We missed you so much,Cassy. . ,ani pa ni Mama. Pinisil ko ang kanyang kamay." Ako rin po,miss na miss ko na po kayo ni Papa! I am so sorry po kung ngayon lang ako nagpakita sa inyo. ,natatakot po kasi ako! Hindi ko po alam kung tanggap niyo na po ako. ,humihikbing saad ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpisil nilang pareho sa aking palad." Ma,Pa. ,aaminin ko po na sobra akong nasaktan ng mas pinili niyo pong paniwal

