Muli akong humugot ng malalim na hininga. Mula pa kanina sa sasakyan,maraming beses ko ng itinanong sa sarili ko kung anong ginagawa ko dito. Kung bakit pumayag akong muli kaming mag-usap. Ni hindi ko nga alam kung may magandang patutunguhan ang pag-uusap namin ngayon considering na yung naging huling pag-uusap namin ay hindi naging maganda ang kinalabasan. But somehow umaasa ako na sana ngayon maging maayos ang pag-uusap namin. Gusto ko na rin namang maging maayos ang lahat. Yung wala kang iisiping taong may galit sa iyo. ,kahit na hindi ko lubusang maintindihan kung bakit nagawa niya sa akin yun sa kabila ng maayos na pagtrato ko sa kanya. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng park. Hindi ko maiwasang mapangiti. ,really park? Hindi ko maintindihan kung bakit dito niya naisipang makipag

