"Hey,tama na muna yang paglalaro niyo. ,kain na muna tayo!. ,aya ko sa kanila. Kanina pa kasi sila naglalaro ng badminton at pare pareho na silang pawisan. "Tawag na tayo ni Mommy,kain na po muna tayo,Daddy,Kiel. ,muling sabi ni Zoey sa kanila. Sumunod naman ang dalawa. Bago sila makalapit sa amin narinig ko ang pagtunog ng cellphone ni Zeke,sumenyas siyang sasagutin lang niya ang tawag tinanguan ko naman siya. Pinagpalit ko muna ng damit ang mga bata at binigyan ng pagkain. Pakonti konti lang ang subo nila ng pagkain,nakatingin silang pareho sa ama nila na malawak naman ang ngiti habang may kausap sa kanyang cellphone. "Ayaw niyo ba ng food,mga anak?. ,tanong ko sa kanila. Paborito naman nilang lahat ang pagkaing hinanda namin ni Ditas na nagkataong mga paboritong pagkain din ni Zeke. E

