Kanina ko pa siya pinagmamasdan mula dito sa sasakyang gamit ko. Sinulyapan ko ang aking relo,30 minutes na akong late although sa totoo lang mas nauna ako sa kanya.
Simula ng dumating siya never ko pang kinakitaan ng pagkainip ang mukha niya. Kahit ang pagtingin sa oras hindi niya ginawa. Samantalang ako kanina parang tangang nakatingin sa kanya mula dito.
The truth is I am scared. . ,so f*****g scared. Sa katunayan mula ng dumating ako dito hindi na nawala ang panlalamig ng kamay ko at ang paminsan minsang mabilis na kabog ng dibdib ko patunay ng kabang bumabalot sa akin ngayon.
"s**t!. ,mahina kong inuntog ang ulo ko sa manibela. Maaga akong gumising para sa pagkikita naming ito,bumiyahe ng malayo tapos ganito,para naman talaga akong tanga. Kung bakit naman kasi dito pa talaga sa lugar na ito.
Yumukyok akong muli sa manibela. Tanga ko rin naman kasi pumayag ako. . ,
Matapos ang matagal na pakikipagdebate sa aking sarili,ipinasya kong lumabas na sa sasakyan. Ni hindi ko na nga nakuhang tingnan kung naghihintay pa ba siya sa akin. I heave out a very very deep sigh bago binuksan ang pinto ng sasakyan.
"Finally,lumabas ka rin. ,
Literal akong napatalon ng marinig ko yun. Napahawak pa ako sa dibdib ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Zeke na akala mo isang modelo na nakasandig sa kotseng nasa tabi ng sasakyan ko. Nakapamulsa siya at pilyong nakangiti sa akin.
"W-w-what are y-you doing there? I...i...thought you were inside the resto?. ,kandautal kong tanong sa kanya.
Umayos siya ng tayo at dahan dahang lumapit sa akin. I can't help but to watch him walk with so much authority papunta sa akin. Ewan ko pero hindi ko alam kung bakit ganito kalakas ang kabog ng dibdib ko sa bawat paghakbang niya papalapit sa akin. Napaatras ako ng mapagtanto kong nasa harap ko na siya.
"Do you want to go somewhere else?. ,tila nag- aalangan niyang tanong. ,"somewhere private?. ,
"A- ano?. ,w-what do you mean somewhere private?. ,i-. . .i. . ,thought we are going to talk?. ,hindi magkandatutong tanong ko sa kanya. Napahawak ako sa pinto ng aking sasakyan.
Ngumisi naman siya sa akin.
Oh god! Oh please. ,huwag mong ipakita sa akin yang mga ngisi na yan. s**t!
"Yes! Of course we are going to talk kaya lang kasi naisip ko hindi ito yung tamang lugar kasi nga di ba sobrang sikat ka na?. ,what if someone recognize you?. ,
Lihim akong nainis sa sinabi niya. Feeling ko gumagawa lang siya ng dahilan para hindi kami makitang magkasama. Ano bang problema sa loob ng resto,eh may mga ibang tao din naman hindi lang naman kami.
Napatigil ako ng maalala kong may asawa nga pala siya. Malamang iniiwas lang niya ang sarili niya na makitang may kasamang iba lalo na kapag babae. Sa isiping iyon pakiramdam ako nanlamig ako. How could I ever forget that he was a married man? Tanga ko talaga.
So he was a loyal husband after all. . ,bahagyang nanikip ang dibdib ko. Naalala ko lang na nung kami pa,kahit na alam niyang may girlfriend na siya hindi yun naging sapat na rason para huminto siya sa pakikipagkita sa iba. But now. ,he changed.
Sabagay married life is far far different from boyfriend-girlfriend relationship. It requires loyalty,fidelity and love. Yeah. . ,f*****g love.
"Are you okay?. ,umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Yeah,i am! So are we going to use a car?. ,naninikip ang dibdib ko. ,"my car or yours?. ,tanong ko sa kanya. Sinulyapan ko siya.
Kunot ang noo niyang nakatingin sa akin.
"So i guess it's my car then. ,ang tagal mong mag-isip. ,itinapon ko sa kanya ang susi ng sasakyan ko. Mabilis akong umikot papunta sa kabilang panig ng sasakyan. Inayos ko ang seatbelt ng ganap akong makaupo. Hindi ko siya tinitingnan habang ginagawa ko yun. But in my peripheral vision nakikita kong nakatingin siya sa akin. Gusto ko siyang tingnan din pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko.
Shit and damnation! Hindi ako makapaniwalang sa kabila ng lahat ng nangyari,ganun pa rin. ,andito pa rin.
Bakit ganun?
Talaga bang kung sino pa yung taong paulit ulit tayong nasaktan siya din yung taong magiging rason kung bakit paulit ulit tayong magmamahal?
Bakit ba ang hirap maging masaya sa pagmamahal?
Bakit kailangang may masasaktan ng dahil sa pagmamahal?
Kasi yun ang nararamdaman ko ngayon.
Nasasaktan ako kasi putangina lang hanggang ngayon. . . .
Hanggang ngayon siya pa rin. ,
Mahal na mahal ko pa rin siya.
Kahit ang sakit sakit na!