"Migs" Napatayo kaagad ako at lumapit sa kanya nang makita ko siya. Inilang hakbang lang ako ni Migs tsaka niya ako mahigpit na niyakap. "Mabuti na lang at nandito ka na ulit" nilayo niya ako ng bahagya tsaka niya tinitigan. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko "It seems like na mukhang maganda ang naging pagsama mo kay Dare" tinignan niya ang nasa likod ko. Bukas pa kasi ang TV at pinapakita si Dare doon na nagsasalita. "T..tara, upo ka" nauna akong lumakad bago ko naramdaman na sumunod siya at umupo sa tabi ko. Tinignan ko siya pero hindi ko alam kung anong salita ang dapat kong sabihin sa kanya. Hindi ko siya tinawagan katulad ng pinangako ko sa kanya. Naging masaya ako na makasama ko si Dare at nakalimutan ko siya. "Hindi mo na ako natawagan ah" simula niya. Napalingon ako sa

