32

1523 Words

Hindi siya nagsalita kaya para akong maiiyak habang nakatingin sa kanya. Umasa na naman ba ako na ako lang talaga ang mahal niya? Di niya talaga pwedeng hindi matutunan mahalin si Cheska kasi si Cheska ang nandoon noong iniwan ko siya. Si Cheska yung nasa tabi niya at nag-alaga sa kanya, si Cheska ang bumuo sa warak na Dare na ako ang sumira. "Forget it" akmang tatayo ako pero hinawakan niya ako sa braso at pinaupo ulit. This time hinila niya para mayakap niya. Hindi siya nagsasalita at nakayakap lang siya sa akin ng mahigpit na ikinakalungkot ko. Gusto kong maiyak pero ayokong ipakita sa kanya na mahina ako. "Minahal" Napapikit ako ng mariin pagkarinig ko sa sinabi niya. Parang may kumukurot sa puso ko pero hindi ako nagsalita kasi gusto kong tapusin niya yung sasabihin niya. Gusto kon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD