Hindi ako makahinga nang maayos habang lumilingon ako sa likuran ko para matiyak ko kung siya nga yung nandoon "Miss, excuse" Ganun na lang ang pagkawala ng gulat sa dibdib ko nang makita ko na hindi yung inaasahan kong lalaki ang nasa likuran ko. Kung bakit kasi may mga taong 'Dare' pa ang pangalan pwede naman na iba na lang eh. Tumabi ako sa daanan nung kapangalan ni Dare bago ako lumakad papunta sa counter at nag-order ng Frappe at Bread. Nang matawag ang pangalan ko ay lumapit ako sa counter at kinuha ko yung order ko tsaka ako umupo sa bakanteng upuan. Nakatalikod ako sa mga tao kaya hindi ko alam kung sino ang pumapasok o lumalabas at favorite spot ko din ito sa lahat. Inilagay ko ang kamay ko sa pipis ko pang tiyan "Anak ano baa ng dapat gawin ni Mommy? Sabihan mo nga ako. Dapa

