Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Dare pero hindi niya sinasagot ang mga tanong ko sa kanya. Mukha siyang frustrated na hindi ko maintindihan pero hindi naman ako ang sagot sa ganito niya. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Pilit kong tinatanggal ang seatbelt ko pero mukhang nakalock ang seatbelt ko "Dare! Ano ba?!" hinampas ko siya. Tumingin lang siya sa akin tsaka niya binaling ulit ang tingin sa daan "Utang na loob, ako na yung lumalayo tapos ikaw naman yung lapit ng lapit! Bangag ka na ba talaga?!" tanong ko sa kanya "Shut it, Sinukuan" mariin niyang sabi sa akin. "Tarantado ka ah! Nagtatanong ako sa iyo kasi sinama mo ako pero ayan ka at mukhang baliw na nawawala sa katinuan. Kung may problema kayo ng manloloko mong fiancée, wag ako ang idamay mo!" hinampas ko ulit s

