CHAPTER 4- CHANGES

1353 Words
Chapter 4 Divina's POV Sumama na muna ako kay Mama pauwi sa bahay. Nasa-isip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Gariet. Sobrang sakit, kung nasasaktan ako dahil nawala ang iniingat-ingatan namin dalawa sa loob ng ilang buwan, mas nadagdagan pa iyon dahil sa ginagawa niya sa 'kin ngayon. Kung nasasaktan siya mas doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko akalaing, ganito pala kahahantungan namin dalawa. Pero kaya ko 'to. Maibabalik ko ito sa dati. Alam kong may kaunti pa rin naman na pagmamahal na natitira para sa akin si Gariet. Nawala na lang bigla ang pagmamahal niya sa 'kin. Kailangan kong ibalik muli ang pagmamahal niya sa 'kin. Hindi ko siya susukuan. Gagawin ko ang lahat bumalik lang siya sa dati.  Kahit ipagtabuyan at itulak pa niya ako para lang umalis sa harapan niya, hindi ako aalis. Kasal pa rin kami at asawa ko pa rin siya.   May sinumpaan kaming dalawa sa harap ng altar. Kahit anong mangyari walang susuko, kahit maraming problema ang darating sa amin, hindi kami susuko. Pero ngayon ako na lang ang lumalaban para sa aming dalawa. Wala na ang dating Gariet na ipinaglaban ako sa kaniyang pamilya. Wala na ang Gariet na sobrang mahal na mahal ako. Wala na ang dating Gariet na kahit kailan hindi niya ako nagawang sigawan at hindi niya ako nagawang harap-harapan na ipakitang wala na siyang pakialam sa nararamdaman ko.  Na-mi-miss ko na ang dating Gariet na minahal ko at mahal ako. Kung nasasaktan ako ngayon. Ganun din si Mama, mahal na mahal pa rin kasi niya si Papa, pero nasa ibang babae na ito. Sumama na ito sa iba. Mas lalo lang nadagdagan ang sakit sa dibdib ko.  Ang mga kapatid ko naman ay ang babata pa. May dalawa akong kapatid at ang babata pa nila. Paminsan -minsan nagpapadala sa kanila si Papa para panggastos dito sa bahay. Simula nang magsama kami ni Gariet. Nakakabigay ako sa kanila kahit papaano  everymonth ng pera para tulong na rin sa kanila. Pero ngayon, kailangan ko na magtrabaho para makatulong pa rin ako sa kanila. Magkasama nga kami sa iisang bubong ni Gariet. Pero para lang akong hangin na dinadaan-daanan niya at hindi nakikita. Hindi rin ako nagtagal at umuwi na rin ako. Sumakay ako ng taxi pauwi sa condo namin ni Gariet. Mahigit thirty minutes din bago ako nakarating sa condo Nakauwi na siguro ito galing sa kaniyang trabaho. Sana nga nakauwi na siya. Kakausapin ko kasi ito. "Salamat po, Manong." ibinigay ko ang bayad ko sa taxi driver at bumaba. Nagmamadali na akong pumasok at kaagad na tinahak ang elevator. Pagdating ko sa loob ng condo, tahimik at mukhang hindi pa nakauwi si Gariet. Sinulyapan ko ang orasan. Alas siyete na ng gabi. Hindi na ako magtataka kung wala pa siya. Ganitong oras kasi hindi pa siya umuuwi. Dati pa naman gawain niya na ito. Ngayon lang ako nasanay, dati kapag umuuwi siya, panay ang sermon ko sa kaniya at panay ang selos ko at kung ano-ano ang mga naiisip ko. Kaya nauuwi sa pagtatampo ko. Susuyuin naman niya ako. Kaya okay na rin kami pagkatapos ng ilang minuto. Pero ngayon wala na akong aasahan pa. Wala ng susuyo sa akin dahil napagod na siya. Napagod na siya sa akin. Naglinis ako ng katawan para matulog na. Pagkatapos kong maglinis ng katawan. Wala pa rin si Gariet. Ang plano kong matulog na ay hindi naman natuloy. Hinintay ko pa ng ilang oras si Gariet pero walang Gariet na dumating. Napakurap-kurap ako. Naalimpungatan ako sa ingay na narinig ko. Napabalikwas ako. Ngayon ko lang na-realize nakatulog pala ako sa couch. Napalingon ako sa kitchen. Ganun na lang ang pagkagulat ko dahil nasa dining table si Gariet at kumakain. Tinawag ko ito pero hindi sumagot. Hindi niya yata narinig o baka nagbibingi-bingihan na lang. Tumayo ako para lapitan ito. Pasado ala una na ng hatinggabi. "Gariet..." tawag ko dito. Hindi pa rin niya ako nilingon. Alam kong narinig niya na ang pagtawag ko sa kaniya. Kumakain pa rin ito na parang wala siyang narinig. Pinaparamdam niya sa aking isa na lang akong hangin dito na dinadaan-daanan at hindi man lang sinusulyapan o kinakausap. "G-Gariet..." muli ay tawag ko sa kaniya. Nangilid ang aking luha dahil sobrang sakit na hindi niya ako pinapansin. Lumapit pa ako sa kaniya hanggang sa makalapit ako sa kaniyang harapan. Tumingala ito sa akin. Pinunasan ko ang aking luha. "G-Gariet...m-mag-usap tayo," Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Tiningnan niya lang ako nang masama. Tumaas rin ang kaniyang kilay. Umigting ang kaniyang panga. Napapikit ako nang kalampagin niya ang kaniyang kutsara at tinidor sa plato. Tumayo ito na puno ng galit ang kaniyang ekspresyon. Nabigla na lang ako nang bigla niyang hawakan at pisilin ang baba ko. Napaigik ako dahil sa lakas at mariin nitong pagkakapisil sa baba ko. "What else are we going to talk about, Divina? Nangyari na ang lahat, hindi mo na maibabalik pa ang buhay na sinayang mo. Pinatay mo ang magiging anak natin! Sa tingin mo ba pakikinggan pa kita? Wala kang ibang gagawin! Just leave!" mas lalong dumiin ang kaniyang kuko sa aking baba. Halos tumabingi na nga ang aking nguso dahil sa pagpisil niya. Mariin akong napapikit. Tinanggap ko ang lahat na masasakit na salitang binitawan niya. "Just get out of here and sign the divorce I'm asking for. Tapos ang usapan!" pabalang niyang binitawan ang aking mukha. Hinampas pa niya ang upuan na kanina lang ay inuupuan niya. Iniwan akong umiiyak at humihikbi dahil sa ginawa niya. Gusto ko lang naman mag-usap kami. Gusto ko lang naman magbalik kami sa dati. Gusto ko lang naman e-save ang marriage na ito. Gusto ko lang naman na mahalin niya ulit ako at magkaayos kami. Dahil ako...mahal na mahal ko pa rin siya kahit masakit na... **** "Anong nangyari diyan?" Kaagad naman napansin ni Menchie ang pantal dahil sa ginawa ni Gariet sa akin kagabi. Sa pagpisil niya sa aking baba ay nagmarka ito kaagad ng pulang pantal. Kaagad ko naman itinago sa kaniya iyon. "W-wala lang 'to. Nangati kasi ito kagabi kaya kinamot ko." kaagad na palusot ko. Hindi alam ni Menchie na minsan na akong nasasaktan ni Gariet. Itinago ko lang ito. Tinitingan pa niya ako na para bang nag-iisip at nagdududa. "Alam mo...hindi ako bata ha, hindi rin ako tanga para maniwala sa sinabi mo. Halata naman na hindi lang 'yan kinamot eh. Alam mo ikaw...hindi ka magaling magsinungaling eh...patingin nga." Kaagad naman niya hinila ang kamay ko para alisin iyon sa aking baba na tinatakpan ko. Kaagad niyang hinawakan ang baba ko. "May bakat pa ng kuko. Yung totoo? Sinasaktan ka ba ng asawa mo?" hindi ko na napigilan pa ang pagtakas ng luha ko. Naipikit ko na lang ang aking mga mata. Niyakap niya ako kaagad. "Sinasabi ko na nga ba eh, bakit kasi nagtitiis ka pa? Kung hindi ka na mahal at hindi na katulad ng dati ang pagsasama niyo. Palayain mo na. Mahirap mag-stay sa isang relasyon na puro pasakit lang naman ang binibigay nito. Mas maganda pa rin mag-stay sa taong pinapahalagahan ka at hindi ka sinasaktan ng ganito." mahigpit pa niya akong niyakap. "Mahal ko si Gariet, Mench. Mahal na mahal ko siya. Alam kong babalik din ang dating Gariet. Kailangan ko lang siyang tiisin. Gusto kong ma-save pa ang marriage namin. Gusto kong bumalik muli ang dating saya na nawala sa amin ngayon. Miss na miss ko na kasi siya. Miss na miss ko na siya, Menchie..." napasubsob na ako sa dibdib ni Menchie. Naramdaman ko naman ang pagtapik niya sa aking likod. "Hays! Ano pa nga ba magagawa ko. Buhay mo 'yan. Pag-ibig mo 'yan. Wala akong magagawa. Pero kung hindi mo na kaya, pwede ka naman magpahinga...at mag-isip. Malay mo, tsaka lang ma-realize ni Gariet kapag tumigil ka na sa pagmamakaawa sa kaniya." umiling-iling ako. "Hindi ko kailangan magpahinga. Hindi ako mapapagod na suyuin o susuko sa kaniya. Dahil mahal ko siya. . .  At ipaglalaban ko kung ano man ang nararamdaman ko kahit na hindi niya na ako mahal." To be continued... Ayan muna dahil hindi ko pa tapos si "HEARTLESS"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD