Chapter Two

1004 Words
Chapter Two Divina P.O.V Sunod-sunod na tumulo ang aking luha sa naririnig ko mula sa silid ni Gariet. Simula nang makunan ako ay nawalan na nang pakialam si Gariet sa 'kin. Galit na galit siya sa 'kin. Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya pumayag ako sa kaniyang kondisyon. Hindi niya ako hihiwalayan basta't hindi ko siya pakikialaman sa lahat ng gagawin niya. Baliw na kung baliw pero ayaw ko pa rin mawala sa akin si Gariet kahit sobrang sakit na. Ako na yata ang pinaka-martyr na babae sa balat ng lupa. Hindi ako pumayag sa divorce na gusto niyang mangyari kaya napilitan ako sa kaniyang kondisyon. Pero habang tumatagal pasakit nang pasakit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako puwedeng magselos at hindi rin  ako puwedeng magalit. I can't breathe sa tuwing may dinadala siyang babae. I'm so weak na parang pinagsukluban ng langit habang naririnig ko ang impit na kanilang ungol. One year ago... "Bestie...nasaan ka?" tanong ni Menchie ang aking bestfriend. Mukhang may tsismis na naman itong dala sa akin. Sa tuwing kasi tumatawag sa akin ang bestfriend ko may dala talaga itong tsismis. "Nagluluto ako sa bahay, bakit?" nasa bahay lang talaga ako maghapon. Kapag walang ibang ginagawa, kung ano-ano ang niluluto ko para lang malibang ko ang sarili. Natigilan siya sa kabilang linya. She coughed. "Eh...kasi..." hindi niya matuloy ang sasabihin na parang may sasabihin siyang hindi niya masabi sa akin. "Anong kasi?" "Kasi...kasi...ano...ahm... yung asawa mo kasi, andito sa restaurant na pinapasukan ko." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Paanong nasa restaurant si Gariet? Ang sabi niya may kakausapin siyang client. Baka client niya lang ang kaniyang kausap. Sinabi na sa akin ni Gariet na huwag akong ma praning kakaisip na baka may iba siya dahil ang sabi niya ako lang ang mahal niya at naniniwala ako do'n. "Client niya lang 'yan," sagot ko. "Ah, ganun ba? Baka nga client niya lang 'to. Ang sexy," hanga na sabi ni Menchie sa kabilang linya. Bigla ko na lang naisipang pumunta sa restaurant na 'yon. Hindi rin nagtagal ay pinatay ni Menchie ang call. Naisip kong pumunta sa restaurant para makita kung anong ginagawa ni Gariet. Hindi ko naman sila gagambalahin, titingnan ko lang hindi ako magpapakita. Na praning na naman ako. Hindi ako mapakali until hindi ko makita kung sino ang babaeng kausap ni Gariet. Ang sabi ni Menchie. Maganda ito at sexy. Mas lalo akong nanliit sa sarili ko dahil malaki na ang aking tiyan. Wala akong kalaban laban sa mga babaeng nakikilala ni Gariet. Dapat hindi ako nakakaramdam ng ganito. Pero hindi ko mapigilan ang magselos. Hindi ko alam kung dala lang 'to ng pagbubuntis. Papasok na ako sa restaurant. Kakapasok ko pa lang, si Gariet na kaagad ang nakita ko. Tumayo siya at nakipagkamay sa babaeng naka red dress. Sa suot nito ay napaka-sexy. Bumaba ang tingin ko sa suot ko. Walang wala ako sa babaeng kausap ngayon ni Gariet. Ngiting-ngiti pa siya habang nakikipag-shake hands sa babae. Nakatalikod ang babae kaya hindi ko makita ang mukha nito. Napangiti ako. Totoo nga ang sinasabi ni Gariet na hindi niya ako kayang lokohin dahil sa nakikita ko. Gawain lang iyon ng isang cliente ang makipag-shake hands. Tatalikod na sana ako pero nakuha nila ang atensyon ko nang lumapit ang babae kay Gariet at hinalikan ito sa labi. Nanlaki ang mga mata ko. Natulala sa ginawang paghalik ng babae sa labi ni Gariet. "Ckient pa ba ang tawag sa may pahalik-halik pa sa labi?" Hindi ko alam pero pakiramdam ko bigla akong nabuhusan nang mainit na tubig dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Hindi pa nakontento, nagyakapan pa silang dalawa. Hindi ko na napigilan pa ang sarili. Nanginginig akong naglakad palapit sa kanila. Hindi ko na nga alam kung paano ako nakalapit kaagad sa kinaroronan nilang dalawa. Mabilis kong hinablot ang buhok ng babaeng kayakapan ni Gariet. Napatingala siya kaya nakita ko ang kaniyang pagmumukha. Maganda dahil makapal ang lipstick, makapal ang kilay at lalong-lalo na napakaputi ng mukha. "Divina!" gulat na gulat naman na tawag sa akin ni Gariet. Hindi ba siya makapaniwalang nahuli ko siya sa akto. Muli ay hinawakan ko ang kulot na buhok nang malanding babaeng kanina lang ay kahalikan ng asawa ko. "what the hell! Let me go!" Pagpupumiglas niya. Hindinsiya makawala dahil sa higpit nang pagkasabunot ko sa kulot niyang buhok. "Divina! Stop it!" at may gana pa siyang sawayin ako. Ngayong siya itong nambababae. Hindi ako nagpapigil. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakakalbo ang malanding babaeng ito. Kinaladkad ko siya hanggang palabas ng restaurant. Wala akong pakialam kung pagtitinginan kami ng mga tao. Ang gusto ko lang, ipaalam sa kanila kung gaano kalandi ang babaeng sinasabunutan ko ngayon. "Ano ba? Let me go! You b***h!" hindi pa rin siya makawala sa akin. Kahit malaki ang tiyan ko mas malakas ako sa kaniya. "Divina! Stop it!" Hinawakan naman ng magaling kong asawa ang aking kamay na nakahawak sa buhok ng malanding babae. Hinarap ko si Gariet. "Bakit? Gariet? Bakit ko titigilan 'to? Dahil ba mahal mo siya? Siya na ba ang mahal mo, huh?" tanong ko sa kaniya. "She's just my client!" sagot niya. Hindi ako naniniwala. Huli na siya pero nagpapalusot pa siya. Sunod-sunod na pumatak ang aking luha. "Client? Client mo?" I laughed sarcasticaly. "Client mo pero nakikipaghalikan ka! Take note, sa labi pa! Client ba ang tawag dun?" nanginginig kong tanong sa kaniya. Bago siya makasagot ay nahila nang tuluyan ng babae ang kaniyang buhok. Nawalan ako ng balance. Tumama ang likod ko sa kotse kasabay ang pagbagsak ko sa simento. "Aacccck!" ang sakit ng balakang at puson ko. Naramdaman kong may kakaibang umaagos  sa akin. Kinapa ko ang aking hita. Nanlaki ang mga mata kong napagmasdan ang dugo sa aking kamay. "f**k! s**t! Divina! You're bleeding!" bulalas ni Gariet. Tila nabingi ako dahil sa nangyari. Hindi ako makapaniwalang dinudugo ako ngayon. My tears dripped. My chest tightened. Lumapit siya sa akin at binuhat ako. Wala akong nagawa kundi ang kumapit sa leeg ni Gariet. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD