Fausta clutched her chest while her right hand held tight on the steering wheel. Halos hindi na niya makita ang kalsadang tinatahak dahil sa lakas ng ulan at sa mga luhang nagpapalabo sa kanyang mga mata.
Fausta didn’t know which part of her body ached the most. Tila lahat ng parte ng katawan niya ay masakit na masakit. Malakas siyang sumigaw para ilabas ang bigat na nagbabara sa dibdib niya. Pero hindi iyon naibsan kahit kaunti. Her chest hurt so much… too much that it was killing her. She wanted the pain to just go away.
Ang lahat ng sakit at pighating iyon ay isang tao lang ang nagdulot sa kanya.
“Zen,” mapait niyang sambit sa pangalan nito.
Zen vowed to never forgive her, much less love her. His heart was already promised to another. Sa isang babaeng hindi niya kayang alisin sa puso nito. She was tired of competing, tired of fighting, tired of waiting.
How long has it been?
Matagal na matagal na. Hindi na niya mabilang ang mga taon. At pagod na pagod na ang puso niya.
“I wish my heart, my mind, and everything in me that loves you truly will forget you… completely,” mataimtim na hiling ng puso niya. “I wish, someday… one day, I will see you as just another face in the crowd." Tumingala siya sa madilim na kalangitan. "Pakiusap, burahin n’yo si Zen sa puso at isipan ko. Pagod na pagod na po ako.” Pagkasabi niyon ay nabulag siya ng nakasisilaw na liwanag mula sa sasakyang nasa harapan. Hindi niya nakita iyon kanina. And it was too late to avoid the crash now.
Ipinikit ni Fausta ang mga mata at bumitiw sa manibela. A peaceful smile curved her lips. “Finally, I’m free… Goodbye, Zen…”
Naggising ang sampung taong gulang na si Fausta mula sa masamang panaginip, nanlalamig ang mga kamay at pawis na pawis. Tumingin siya sa bintana. Madilim na. Hindi niya akalaing mapapahaba ang tulog niya kaninang hapon.
That dream again, she thought. Pangalawang beses na niyang napapanaginipan iyon. In her dream, she was already an adult. In her dream, Zen was still the same cold person. Hindi pa rin siya nito natutuhang mahalin. Mas lumalim pa nga ang galit nito sa kanya. Her dream told her that Zen had learned to love someone else.
Bumangon si Fausta at nag-shower. Pero hindi niya magawang payapain ang kumakabog na dibdib. Her small hand clutched her chest. The pain was still there. Parang totoong nangyari.
Umiling siya. Panaginip lang iyon. Kabaligtaran ang mga panaginip kaya malamang na ang totoong mangyayari ay magagawang suklian ni Zen ang paghanga niya rito, magpapakasal sila, at bubuo ng masayang pamilya pagdating nila sa tamang edad.
“Faustina?” katok ng ina niya sa pinto ng banyo.
“Mom?”
“Nandito na ang mga Montaner. Bilisan mo at bumaba ka na.”
Napangiti siya. She was always excited to see Zen. “Yes, Mommy!”
_____
“FAUSTA, Zen, the two of you will get married someday. So, from now on, hija, you have to make sure that no one steals Zen from you, okay?” nakangiting sambit ni Mrs. Montaner kay Fausta Montemayor.
Fausta was only 10 years old. Kagaya rin ni Zen. They were both in the fifth grade, same school, and both parents arranged them to be in the same class. Magkatabi ang mga lupaing pag-aari ng mga pamilya nila sa probinsya. Sa siyudad naman ay sa iisang subdivision nakatira ang dalawang pamilya. They were practically neighbors in one of the most exclusive and expensive subdivisions in the Philippines.
Ngumiti ang batang si Fausta. Dati pa siyang may crush kay Zen. Zen was the most popular male student in the campus. Sa edad na sampung taong gulang ay malaking bulas ito. His hair reminded her of those boy bands in the 90s. She saw them on youtube. Ganoong-ganoon ang buhok ni Zen. His hair was cut into a bob and pushed back with strands of hair covering his forehead. Maganda ang hugis ng mga mata nito na matapang kung tumitig. His nose was really thin and sharp. Matangos iyon na parang hinulma ng iskultor. At ang mga labi nito, kahit madalas nakasimangot ay napakagandang tignan.
Palihim niyang hinayon ang sarili. She was also pretty and in fact, she was recognized as the prettiest face in school for three consecutive years. Sa edad na sampung taon ay alam na niya kung paano alagaan ang sarili. Her hair was always styled to perfection and her dresses were really expensive. Siya ang klase ng taong hindi mo makikitang nagpapawis o madungis. Palagi siyang malinis at mabango.
“Yes, Tita Zelaida, I promise.” Nagtagpo ang mga mata nila ni Zen at nakita niya ang paglalim ng simangot nito. Tinitigan din siya nito nang matalim.
“I will never agree to an arranged marriage, Ma,” giit ni Zen.
“Por Santo, Zenandro! Napagkasunduan na namin ang bagay na ito. Wala nang babaeng mas babagay pa sa iyo kaysa sa unica hija ng mga Montemayor. And our families have always been friends,” anang ginang, gilalas. Kinuha nito ang abaniko at mabilis na ipinaypay sa sarili. She was clearly displeased.
Ang ama naman ni Zen ay inignora ang hindi nito pagsang-ayon. “Mangyayari ang kasal pagdating ninyo sa tamang edad,” deklara nito at pinukol ang anak ng tinging nagsasabing wala itong karapatang tumanggi.
Tumango at ngumiti naman ang mga magulang ni Fausta.
Mula sa sala mayor ay dumulog na sa komedor ang mga bisita at nagsalo sa masaganang hapunan. Tanging si Zen lang ang halatang walang interes sa nagaganap. He did not want to be there. Lihim na ngumisi si Fausta dahil wala naman itong pagpipilian. Kilala niya ang mga magulang nito. His parents were very controlling. Kahit na ilang daang beses pang sumalungat ni Zen ay matutuloy pa rin ang kasal nila.
Pagkatapos ng hapunan ay nagkuwentuhan ang mga magulang nila. Sila ay sinabihang maghintay sa pool area. Naupo sa lounge chair si Zen. Siya naman ay pumuwesto sa gilid ng pool. Just the thought of Zen being a few feet away from her was enough to send shivers down her spine. Kinikilig siya na hindi niya mawari. Napapangiti na lang siya sa kanyang sarili.
Lumingon siya rito. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Nakaupo ito sa dulo ng upuan at bahagyang nakayuko upang maitukod ang mga siko sa magkabilang tuhod at magawang ipagsalikop ang mga kamay. Nagsasalubong rin ang mga kilay nito habang nakatanaw sa kawalan.
“Are you bored?” tanong niya.
“I’m always bored around you.” He spoke in a cold, unfriendly way.
Nagkibit-balikat lang siya. She was used to him being rude towards her. Ganoon naman ito palagi sa kanya magmula nang malaman nitong nagkasundo ang mga magulang nila na ipakasal sila pagdating ng tamang panahon.
He hated it that she wasn’t against the idea. Lalo na nang malaman niyang may gusto siya rito. Pero ano ba ang magagawa niya? Humahanga siya rito at totoo ang damdamin niya.
One day, I’ll make you love, sa loob-loob niya, puno ng determinasyon.