June 2 – Friday – 7:14 AM – Aira’s Dorm Room Mainit ang sinag ng araw na tumama sa pisngi ni Aira. Dahan-dahan siyang dumilat, ang mga pilik mata’y kumakapit pa sa antok. Tahimik ang buong kwarto, maliban sa tunog ng electric fan na paikut-ikot sa gilid ng kama. Napakunot ang noo niya. Hindi ako sa couch natulog kagabi… diba? Bumangon siya, sinilip ang paligid. Malinis ang lamesa, nakasalansan ang class cards, at may tray sa side table—may itlog, sinangag, at banana muffins. May sticky note na nakadikit sa baso ng juice. > Good morning, Love. Pinagpahinga muna kita. Umuwi muna ako sa dorm. Enjoy your breakfast. I love you – Calix She smiled, hinawakan ang tray, saka naupo sa gilid ng kama. Inilipat niya ako sa kama habang tulog ako… That quiet kind of care—yun ang nagpapalambot s

