June 21 – Wednesday – 9:40 AM – Babes Group Chat 📱MIRA: > Girls, uuwi na ‘ko ng Pampanga today. 📱NHENE: > Huh?? Ang aga mo naman, sis. Di pa naman clearance or enrollment? 📱JANE: > Legit?? Kala ko next week pa uwi mo? 📱AIRA: > Bakit ka uuwi agad, Mira? May nangyari ba? Saglit na typing lang ang nakita nilang status mula kay Mira. Wala nang sumunod. Seen lang, pero walang reply. “Something’s up,” bulong ni Aira habang binabasa ang chat. 11:00 AM – McDo Branch – Aira’s Shift “Good morning po, welcome to McDo!” masiglang bati ni Aira habang tinatap ang order ng customer. Bilis ng oras, pero mabigat ang pakiramdam niya. May gut feel siyang may hindi lang basta “outing” ang dahilan ng pag-uwi ni Mira. Tahimik kasi. At hindi iyon usual. Si Calix naman ay nasa back area,

