Chapter 10 Napangiwi si Angela dahil sa sakit ng kanyang ulo. Ano bang nangyari sa kanya? Dahan-dahang siyang bumangon. Natigilan siya nang mapansing malambot ang kama. May naamoy din siyang kakaiba. Ang buong kwarto ay may panlalakeng amoy! Napaawang ang kanyang labi nang makita ang nasa harapan. May dagat sa labas! Binalot ng kaba at takot ang kanyang dibdib. Nasaan siya! Nakagat niya ang ibabang labi nang maalala ang huling nangyari sa kanya. Naliligo siya at paglabas niya ay may tumakip sa kanyang ilong at nawalan siya ng malay! Nasapo niya ang mukha. Sigurado siyang si Kace ang gumawa nun! Wala naman siyang kakilalang abnormal. Ito lang! "Kace. Potangina mo." Umalis siya sa kama at naglakad patungo sa balkonahe. Nilalamig siya! Gusto ba siyang nitong magkasakit? Bakit hinayaan nit

