Chapter 2
Marahas na bumuntong hininga si Angela habang nakatingin sa labas ng bintana. Kasalukuyang nasa loob siya ng kotse ni Kace Morgan. Kung saan sila patungo? Hindi niya alam dahil wala naman itong sinasabi sa kanya kung saan sila pupunta. Gusto na sana niyang umuwi sa bahay niya para magpahinga pero hindi pumayag ang makulit na doktor. Ang dahilan nito ay matagal raw silang hindi nagkita at namiss raw siya nito. Wala namang kami. Hays..
"What's with the sigh?" Basag nito sa katahimikan.
"Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa mo ito. Uulitin ko, Kace Morgan. Ibaba mo na ako dahil gusto ko ng umuwi sa bahay ko." Malamig na sabi ni Angela sa doktor.
"Hindi mo ba ako namimiss?" Kunot-noong tanong nito.
Umiling siya at bahagyang natawa. "Bakit naman kita mamimiss? Sino ka ba?" Pinalaki niya ang mga mata at tinawanan ulit ito. "Ah! Alam ko na! Dahil ba may nangyari sa atin noon? Doc, hindi na tayo mga bata. Nasa tamang edad na tayo para gawin ang ganoong bagay. Pwede bang kalimutan na natin iyon?"
Nagtagis ang bagang nito at humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela. Nagagalit ito pero wala siyang pakialam. Hangga't maaari, ayaw niyang magkaroon ng koneksyon sa lalakeng ito dahil hindi maganda ang kutob niya rito. Pakiramdam niya ay hindi ito mapagkakatiwalaan.
"Sino ako? I told you! My name is.."
"Kace Morgan at taga New York ka. Isa kang doktor." Putol niya rito.
"Yes."
"At wala akong pakialam! Putangina mo!" Bulyaw niya rito. Nagsisimula ng maubos ang pasensya niya rito. "Saan mo ba kasi ako dadalhin! Diba kidnapping 'to?"
Bumuntong-hininga ito at sinulyapan siya. "I just want to eat lunch with you and of course, I want to talk to you about what happened."
Napapikit si Angela at hinilot ang sentido. "Na-i-stress ako sayo. Natatakot din ako sayo. Itigil mo itong sasakyan ngayon din kung ayaw mong basagin ko itong bintana."
Itinigil nito ang sasakyan. Sinubukan niyang buksan ang pinto pero nakalock iyon kaya pinukol niya ito ng nakamamatay na tingin. "Buksan mo 'to."
Umiling ang gwapong doktor. "Angela, I know why you're acting like that. Galit ka dahil hindi ako nakabalik kaagad. I already explained it to you, didn't I? I had an emergency. I had to go back to New York. Pero nandito na ako Angela."
Tinitigan niya ito. "Ganito ka ba talaga?"
The doctor's forehead creased. "What?"
"Hindi ko alam kung tanga ka o manhid. Hindi mo ba nahahalatang ayaw ko sayo? Pwede bang tigilan mo na ako? Wala akong pakialam kung doktor ka, mayaman ka, ikaw ang nakauna sa akin - isa lang ang gusto ko. Lubayan mo na ako. Nauubos na ang pasensya ko sayo. Gusto ko ng tadyakan ang pagmumukha mo, alam mo ba yun?"
Hindi makapaniwalang napatitig ito sa kanya. "What the fuck."
Malakas na sinapal ni Angela ang makinis nitong pisngi. "Huwag mo 'kong winawhat the f**k. Buksan mo 'to dahil baka hindi ako makapagpigil, hindi lang sampal ang aabutin mo sa 'kin."
"Your mouth is really something. Okay fine. I'll take you home."
Pinaandar ulit nito ang kotse. Tumingin siya sa labas ng bintana at huminga ng malalim. Ayaw sana niyang pagsalitaan ito ng ganoon pero ayaw niyang ma-involve rito. Ang mga mahihirap na babae, kapag nainvolve sa lalakeng mayayaman, magdudusa sa kamay ng pamilya ng lalake at sa mga ex-girlfriends nitong bitter. Ganoon talaga. Ganoon ang nababasa niya sa pocketbook at napapanoon niya sa mga teleserye. Wala akong balak ipasok ang sarili ko sa gulo. Oo, gwapo ka, type kita pero hanggang doon lang yun.
Pagdating nila sa kanyang bahay ay ipinagbukas pa siya ni Kace ng pinto. Inismiran lang niya ito. Akmang papasok na siya sa kanyang bahay nang mapansing nakasunod ito sa kanya. Tiningnan niya ang doktor at kinunotan ng noo.
"Anong ginagawa mo? Bakit ka nakasunod sa 'kin?"
"Nagugutom ako. Wala ka bang pagkain diyan?" Tanong nito.
Itinirik niya ang mga mata. Tinalikuran niya ito at pinagsarhan ng pinto. Pumaparaan pa ito! Hindi siya bobo! Ibinagsak ni Angela ang katawan sa lumang sofa at binuksan ang telebisyon. Malaki ang problema niya ngayon. Wala na siyang trabaho. Kailangan na naman niyang maghanap ng panibagong trabaho.
"Babalik na naman ba ako sa pagiging waitress sa club?" Napapadyak si Angela sa inis. "Nang dahil sa lalakeng yun, minamalas ako e!"
Napapitlag si Angela nang may marinig na kalabog mula sa kanyang maliit na kusina. Napatayo siya at mabilis na dinampot ang payong. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kusina at muntik na siyang mapasigaw sa takot nang makita si Kace doon at umiinom ng tubig.
"Hey.. What's that for?" Ininguso nito ang payong na hawak-hawak niya.
"A-anong.. Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?"
Itinuro nito ang pinto. "I told you I'm hungry pero wala ka namang pagkain dito. Uminom nalang ako ng tubig. Why don't we go to the supermarket?"
Natampal niya ang noo at galit na ibinato ang hawak na payong rito pero sinalo lang iyong ng doktor. "Putangina mo! Tinakot mo 'ko! Lumayas ka sa pamamahay ko!" Sigaw ni Angela sa doktor.
"Damn, you look hotter like this. It's turning me on." Nakangising sabi nito sa kanya.
Kinilabutan si Angela. Anong ibig sabihin nito? Gusto nito ang pagtataray niya? Nababaliw na ba ito?
"You're fierce. I like it." Humakbang ito patungo sa kanya. Napaatras naman siya.
"Anong ginagawa mo? Huwag mo akong lapitan!"
Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinila siya payakap rito. Itinulos si Angela sa kinatatayuan at nagsimulang tumibok ng pagkabilis-bilis ang kanyang puso. Nahigit niya ang hininga.
"Si-sisigaw ako."
Narinig niya ang mahina nitong pagtawa. Hinaplos nito ang kanyang likod at hinalikan ang kanyang leeg. Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo.
"Relax. I won't do anything. I just want to hug you like this. I missed you."
Napapikit si Angela sa mabango nitong amoy. "Sinira mo ba ang pinto ko?" Mahinang tanong niya sa doktor.
"I'll fix it later."
"Ugali mo ba mag-akyat bahay? Paano kung may sakit ako sa puso? Edi inatake na ako."
He bit her neck and chuckled. Nag-init ang kanyang pisngi sa ginawa nito. Magkakachikinini pa yata siya.
"Pinagsarhan mo 'ko. I didn't have a choice. I'm sorry, love. Hindi ko na uulitin."
Bumuntong-hininga siya at marahan itong itinulak. Agad naman siya nitong pinakawalan. Tiningnan niya ito ng masama pero nginisihan na naman siya nito. Hindi na alam ni Angela kung ano ang gagawin rito. Naiinis siya dahil napakakulit nito. Ipinagtatabuyan na niya ito pero heto, ipinagpipilitan na naman nito ang sarili sa kanya.
"Inii-stress mo 'ko, alam mo ba yun? Pwede bang umalis ka na? Namomroblema ako ngayon. Iniistorbo mo 'ko."
"Problem? What is it? I can help."
Marahas na napabuga siya ng hangin. Isa ito sa mga problema niya! Hindi ba nito alam? Hindi napapansin? Tanga ba talaga ito? Kailangan niyang magtago. Mukhang obsess sa kanya ang lalakeng ito. Ayaw ko ng stalker kahit na sabihin nating gwapo at mayaman.
"Dr. Kace Morgan. Ikaw ang puno't-dulo ng problema ko. Nawalan na ako ng trabaho.."
"Who said I am firing you? And that cafe is yours now. I bought it for you."
Napaawang ang kanyang mga labi. Ano raw? Sa kanya na ang cafe na yun? Lumipad ang kanyang kamay sa pisngi nito. Agad naman siya nitong pinanlakihan ng mga mata.
"What the f**k? What was that for?"
"Ako ba ginagago mo?"
"I'm serious as hell, Angela! Can you stop being so violent? Nakadalawa ka na. Hindi ko kakalimutan 'to. Kapag hindi ako nakapagpigil, sisingilin na kita sa bayad ng pananampal mo sa 'kin ngayon din."
She smirked. "Ikaw pa ang galit! Sisingilin? Pagbabayarin mo 'ko? Magkano ba ang isang sampal ha?"
"Dalawang halik at kapag sinamapal mo pa ako ulit, hindi lang halik ang aabutin mo sa 'kin. Don't test my patience, love."
Napalunok si Angela at nagbaba ng tingin. Gusto niya itong sapakin pero natatakot siya na baka totohanin nito ang sinabi kaya itinikom nalang niya ang bibig. Naglakad ito patungo sa kanyang salas. Tiningnan nito sa cellphone bago siya nilingon. "I have an appointment. I'll come back later."
Kahit huwag na. Huwag ka ng babalik rito. Sagot ni Angela sa kanyang isipan.
Kumabog ang puso ni Angela nang bigla itong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa labi. Dahil sa gulat naitulak niya ito at muling nasampal. Nakagat niya ang ibabang labi at napaatras. Ngumiti ito ng nakakaloko sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi.
"I thought you won't make love to me anymore but I was wrong. I'll give it to you later, love. Kahit magdamagan. Look forward to it." Tinalikuran siya nito at lumabas ng kanyang bahay.
Napahawak si Angela sa dibdib at mabilis na tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangang makaalis ako rito ngayon din! Saan ba ako pwedeng pumunta? Sa simbahan? Tama! Sa simbahan! Bibisitahin ko ang mga madre!
KACE drove his car to V's hotel room. He received a message from him a while ago informing him about his new assignment. He's pissed. He already turned down Gunner's order before kaya nagtataka siya kung bakit nagpadala ito ng bagong misyon para sa kanya. He filed a f*****g leave!
Pagdating niya sa hotel nito ay nakita niya si V kausap ang magandang receptionist. He rolled his eyes at called him.
"V!"
Agad na nilingon siya ng kaibigang doktor at nginitian. "I am f*****g busy. What the hell is the meaning of that message?"
"See you later, beautiful." Paalam nito sa receptionist. Inakbayan siya nito at iginiya patungo sa elevator.
"Let's talk inside my room."
When they reached V's room, nakita niyang nagkalat ang mga baril sa kama nito. Napamura siya. "What the f**k is this mess! Are you f*****g crazy?"
"I am not as crazy as you. Anyway, here." Iniabot nito sa kanya ang isang itim na folder na naglalaman ng makapal na reports. "White-collar crime in Spain. Your new assignment."
Hindi makapaniwalang napatitig si Kace sa itim na folder. White-collar crime assignment! For him! Alam nito kung anong klaseng assignment ang mga gusto niya! He was about to open his mouth when V stopped him.
"Gunner said, it has to be you."
He smirked. "I won't accept this s**t. I traded 10 f*****g long-range anti-ship missiles for a 6 months break! That is $39,000,000! He accepted it! Bakit binibigyan niya ako ng assignment?"
Itinaas nito ang kamay at tinawanan siya ng malakas. "My man, what happened to you? You want 6 months break for what? Saan ka pupunta? Anong gagawin mo sa anim na buwang yun?"
Hinablot niya ang folder at naupo sa kama. "Just here. In the Philippines."
"Bro, is this about that girl? In the club?"
Tiningnan niya ang kaibigan pero hindi siya sumagot.
"Helium said you're in love. Who? Harriet? But Harriet.."
He sighed at lay down on the bed. "I'll kill Helium. I told him not to tell anyone about this."
Tinawanan ulit siya ng kaibigan. "Sino ba talaga? Harriet is in New York but you're here in the Philippines. So, it's the woman in the club, yes?"
Napatitig si Kace sa kisame. He lost 39 million dollars just to be with Angela pero pinagtatabuyan siya nito. She seems to detest him. He was hurt pero hindi niya iyon pinapahalata sa dalaga. He really likes her. But his heart...
"I have an assignment. I need to go but let me at least tell you this. Like and love, they're different. You need to figure that out bago mo siya masaktan."
Bumangon siya at naupo sa kama. Ikinumpas niya ang kamay para itaboy ito. "Shut up. What do you know about love anyway."
"Like gives you a warm, fluttery feeling inside but love involves deeper and stronger emotions." Sagot nito pagkatapos ay tinalikuran siya. Lumabas ito ng kwarto dala-dala ang itim na backpack.
Bumuntong-hininga si Kace at iniligpit ang mga nagkalat na baril sa kama. Inilagay niya iyon sa maleta ni V.
"Iniwan pa talaga 'tong nakakalat. Reckless bastard." Napaisip siya sa huling sinabi nito. "Warm and fluttery." Napailing siya. "Saan niya nabasa yun? Sa internet?"
Binuklat ni Kace ang itim na folder at binasa iyon. The assignment is in Spain. Kung tatanggapin niya iyon, matatagalan na naman bago siya makabalik ng Pilipinas. Mas lalong lalayo ang loob ni Angela sa kanya. Ngayon nga ay namomroblema na siya kung paano paaamuin ang dalaga, paano nalang kung iiwan na naman niya ulit ito? Paano kung pagbalik niya ay may iba na ito? Kahit na kumuha siya ng taong magbabantay rito, wala pa rinG mangyayari. At saka kung hindi siya nagdesisyong bumalik sa Pilipinas at bilhin ang cafe na pinagtatrabahuan nito, baka niligawan na ito ng Gerry Cruz na yun!
Itiniklop ni Kace and itim na folder at ipinasok iyon sa maleta ni V. He emailed Gunner. Hindi niya tatanggapin ang assignment. He needs this break.
"I like her." Maliban kay Harriet, ito lang ang babaeng nakakuha ng kanyang atensyon. Alam niya kung ano ang pinagkaiba ng like at love. Gusto niya si Angela. Sigurado siya doon pero mahal niya si Harriet. Naguguluhan siya. Do i still really love her? Napapikit si Kace. I do. I want her to live.. His heart clenched in pain. Harriet is losing her memories. Hindi siya nito naaalala.. It hurts..
NIYAKAP ni Angela ang madreng nagpalaki sa kanya. Si Sister Lilia. Ilang taon na rin ang lumipas nung huli siyang bumisita sa simbahan. Namiss niya ang mga ito.
"Kumusta ka na anak? Mabuti naman at bumisita ka rito." Si Sister Lilia.
"Mabuti naman po. Namiss ko po kayo. Uhh, sino po sila?" Turo ni Angela sa mga naggugwapohang kalalakihan na nakikipaglaro sa mga bata.
"Ah! Sila ang sumusuporta sa mga ulilang kabataang narito sa simbahan. Dahil sa kanila, nakapagpatayo pa ng isang bahay ang simbahan para sa mga kabataan. Halika, doon tayo. May ginawang cookies si Sister Maria. Dito ka ba magpapalipas ng gabi?"
Nahihiyang tumango si Angela. "Pwede po ba?"
Ngumiti ito. "Oo naman. At bakit naman hindi?"
Napangiti si Angela. "Maraming salamat, Sister Lilia."
Naupo si Angela sa bakanteng mesa sa hardin at tiningnan ang lalakeng nakatitig kay Sister Maria. Hindi niya dapat tinititigan ng ganyan ang madre. Tumayo ito at tinulongan si Sister Maria sa pamimigay ng juice sa mga kabataan.
"I'll help you."
"Hindi na kailangan. Salamat, Mr. Phoenix."
"Just call me Karim, Maria."
Ngumiti si Sister Maria rito. "At tawagin mo akong Sister Maria."
Umangat ang isang kilay ni Angela. Type pa yata si Sister Maria. Kawawa naman. Walang pag-asa. Tumayo si Angela at nilapitan si Sister Maria. Nginitian niya ang lalake at inagaw rito ang isang box ng juice.
"Tutulongan na kita, Sister. Sir, ako na po. Nakakahiya sa inyo, bisita po kayo rito." Hindi na hinintay pa ni Angela na sumagot ang binata. Tinalikuran na niya ito at nagsimulang ipinamigay ang mga juice sa mga kabataan.
Naramdaman niyang lumapit si Sister Maria sa kanya. Nilingon niya ito at nginitian. "Mukhang kailangan mo ng tulong e. Sa tingin ko ay mahihirapan kang ipagtabuyan yun." Mahinang sabi niya rito.
Natawa ito ng mahina. "Salamat. Mabuti naman at bumisita ka rito. Mamamalagi ka ba rito ng ilang araw?"
Tumango siya at nag-iwas ng mga mata. "O-Oo." Kailangang hindi ako makita ng praning na doktor na yun.
"May bakanteng kama sa kwarto ko. Pwede ka roon."
Tumango ulit si Angela. "Salamat, Sister."
Kinagabihan..
PINATAY ni Kace ang telebisyon at tiningnan ang mapa sa cellphone. Marahas na napabuntong-hininga siya at tiningnan ang orasan. Pasado alas dyes na ng gabi. Nagugutom na siya at mukhang walang balak umuwi si Angela sa bahay nito. He planted a tracking device on her bag kaya alam niya kung nasaan ito. Nasa simbahan ito kung saan ito lumaki. Talagang tinakasan siya nito.
Kace smirked. "Napakapasaway mo talaga." Tumayo siya at lumabas ng bahay. Pagbibigyan muna niya ito ngayong gabi dahil bukas na bukas, susunduin na niya ito. Hindi siya papayag na may masayang na araw sa break niyang ito. Tama ang kaibigan niyang si V. He needs figure out his feeling for Angela. He needs to know if it's more than love or not.
I spent 39 million dollars for this f*****g fascination. This is crazy.
Kace drove his car to the nearest restaurant. He's hungry as f**k! Akala niya ay matitikman niya ang luto ni Angela pero tinakasan lang pala siya! Napatingin si Kace sa cellphone nang tumunog iyon. Binasa niya ang caller ID. It's his secretary, Britney. Sinagot niya iyon at ini-speaker.
"Yes, what is it?"
"Dr. K, I got a call from Ms. Chellie."
Kace's heart thumped. "Is there a problem?"
"Uhh, no Sir. Actually, it's good news. Ms. Harriet is looking for you. Nagwawala siya kasi hinahanap ka niya kaya binigyan muna siya ng pampakalma. Should I ready the plane, Sir?"
Hindi agad makasagot si Kace. "I - I'll call Chellie. Thank you, Brit."
"You're welcome."
Mahigpit na napahawak si Kace sa manibela. Ngayon, nalilito siya. Hindi niya alam kung babalik ba siya ng New York o mananatili ng Pilipinas. f**k this.. I can't just leave after all these shits! Binuksan niya ang mapa at tiningnan iyon. He needs to see Angela. Right now. He'll talk to her. Bahala na..
Makalipas ang ilang oras, pasado alas dose ng hating-gabi, narating ni Kace ang simbahan kung nasaan si Angela. Binigyan niya ang guard ng tip para tawagin dalaga at agad naman itong tumalima. Ilang sandali lang ay lumabas ito at nilapitan siya.
"Nababaliw ka na ba? Paano mo nalamang nandito ako?"
"I have my ways."
Itinirik nito ang mga mata at hinila siya patungo sa kanyang sasakyan. "Umuwi ka na. Alam mo ba kung anong oras na? Nakakahiya sa mga madre!"
Tinitigan niya ito. She's really angry and annoyed. Talaga bang ayaw nito sa kanya? Nakuyom niya ang mga palad.
"I'm going back to New York." Mahinang sabi niya sa dalaga.
Napansin niyang natigilan ito pero agad din itong nag-iwas ng mga mata. She cleared her throat and turned away.
"Pumunta ka ba rito para sabihin lang yan? Umalis ka na. Hindi mo naman kailangang magpaalam e." Malamig na sagot nito.
Marahas na bumuntong-hininga si Kace. "Alright. If that's what you want." Binuksan niya ang pinto ng kotse at tiningnan ulit ito. "I like you, Angela. I really do."
NAPATITIG si Angela sa papalayong sasakyan at napahawak sa dibdib. Bakit sumasakit ang kanyang dibdib? Bakit nalulungkot at nakokonsensya siya? Dahil ba sinabi nitong gusto talaga siya nito? Naniniwala ba agad ang puso niya? Wala sa sariling napailing si Angela. Kalokohan. Paanong magkakagusto ako sa lalakeng yun e ilang beses lang kaming nagkita. Salungat ng kanyang isipan sa nararamdaman ng kanyang puso. Imposible. Tama. Dapat lang na umuwi na siya sa New York para wala ng gulo at malas sa buhay ko. Noong wala siya maayos naman ako. Kanina nung dumating siya, minalas agad ako.
Mabigat ang mga paang pumasok si Angela sa loob sa gate at bumalik sa kumbento. Pagsisisihan mo ito.. Natigil si Angela sa paglalakad dahil sa naisip.
"Hindi.."