Chapter 4
Nagpakawala si Angela ng malalim na buntong-hininga habang nakatingin sa labas ng cafe. Malakas ang ulan kaya konti lang ang customers. Mahigit isang linggo na ang lumipas nang magsimula ulit siyang magtrabaho sa cafe pero hindi na bilang waitress kundi bilang manager.
"Lalim nun ah. Namomroblema ka?" Tanong ni Anjie, ang kahera ng cafe.
"Inaantok lang ako. Ang lakas kasi ng ulan." Sagot niya sa kahera.
"Mag-aalas singko na. Saan na pala yung pogi mong sundo?"
Sumimangot si Angela. "Hindi ko alam." Sana hindi na siya pumunta rito. Gusto ko ng umuwi sa bahay ko. Namimiss ko na ang bahay ko.
Simula noong gabing nagresign si Angela sa club ay dinala siya ni Kace sa bahay nito. Hindi siya nito hinayaang makauwi sa kanyang bahay. Napakamapilit nito at ang ikinaiinis pa niya ay nahihirapan siyang tanggihan ito!
"Oh! Ayan na pala si Sir Kace. Ang swerte mo talaga. Ang gwapo-gwapo ng jowa mo e! Pero maganda ka rin naman. Bagay lang kayo." Nakangising tudyo ni Anjie sa kanya. "Dinalhan ka pa talaga ng payong at jacket. Napakagentleman!"
Muling bumuntong-hininga si Angela at walang ganang tiningnan ang gwapong doktor. Nang pumasok ito ay agad na binati ito ng mga empleyado maliban sa kanya. Umismid si Angela.
"Hey. What's wrong?" Tanong nito. Naupo ito sa kanyang tabi pagkatapos ay ininom ang kanyang kape.
"Wala. Inaantok lang ako dahil sa lakas ng ulan.."
"I see. How's the cafe?"
Itinirik niya ang mga mata. "Syempre kaunti lang ang customers. Nakita mo naman diba. Ang lakas ng ulan oh." Walang ganang sagot ni Angela sa doktor.
"Stop rolling your eyes on me, Angela. Galit ka ba dahil natagalan ako? I had an appointment. Araw-araw naman tayong magkasama ah at saka ilang oras lang akong nawala, namiss mo na agad ako?"
Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Ang kapal talaga ng pagmumukha mo e noh. Umalis ka nga sa harapan ko. Naaalibadbaran ako sayo e."
Tumayo ito at hinawakan ang kanyang kamay. "Let's go home."
Tumayo si Angela at binawi ang kamay. "Gusto kong umuwi sa bahay ko, Kace."
Saglit na tinitigan siya nito pagkatapos ay tumango. "Sure. Pwede tayong umuwi roon ngayon."
"Ako lang. Ako lang ang uuwi. Hindi ka kasama."
Kumunot ang noo nito. "May problema ba tayo? Care to tell me? Doktor ako. Hindi manghuhula. Why are you acting strange? Did I do something wrong?"
Nagkibit-balikat si Angela. "Wala. Kahit ngayon lang, hayaan mo muna ako."
"These past few days palagi kang iritado. Are you pregnant? I think we should go —"
Nanlaki ang kanyang mga mata at nag-init ang kanyang pisngi. Mabilis na tinakpan ni Angela ang bibig ng gwapong doktor. "Ano ba! Hindi ka ba nahihiya!" Pabulong na saway niya rito.
Tinanggal nito ang kanyang kamay at hinapit siya sa baywang. Mas lalong namula ang kanyang mukha. Nararamdaman niya ang mga matang nakatingin sa kanila at hindi siya komportable! Bakit ba ang kapal-kapal ng mukha nito!
"When was your last period?" Seryosong tanong nito.
Tinampal niya ang balikat nito at kumuwala rito. Mabilis na tumakbo siya patungo sa kanyang opisina. Bakit ba parang gustong-gusto talaga siya nitong mabuntis! Hindi siya tanga para magpabuntis rito noh! Pinagbibigyan lang niya ito dahil mapilit ito at nahihirapan siyang hindian ito. Marahas na bumuntong-hininga si Angela at iniiling ang ulo. Hindi niya dapat malaman.. Hindi ako mabubuntis.
"Angela?"
Dinampot niya ang bag at nilingon ito. "Ihatid mo na ako sa bahay ko."
"Yeah. Let's go."
Pagdating nila sa kanyang lugar ay may nakita silang nakukumpulang mga tao sa gitna ng daan. Mukhang may nag-aaway. Bumaba sila ni Kace at lumapit roon.
"Woah! A fight! I like this." Nakangiting sabi nito.
Hinampas niya ang braso nito. Nagulat siya nang malakas na sinuntok ng isang lalake ang isa pang lalake sa mukha at tumilapon pa ito sa tapat niya. Napaawang kanyang labi. Tutulongan ba niya ito? Pero paano kapag nadamay siya? Nanonood nga lang ang ibang tao at mukhang aliw na aliw pa ang mga ito kahit na halos nagpapatayan na ang dalawa! Napapitlag si Angela nang biglang magsalita si Kace.
"Wow! That was a very rough bone-smashing blow! That guy is my style! Wooo!" Sigaw ni Kace.
Napaatras siya at hinila palayo si Kace roon. Napakaweirdo nito! Hindi ba ito naawa sa lalake kanina? Dapat tumulong ito dahil dumudugo na ang ilong ng isang lalake! Isa itong doktor diba?
"Hey! What's wrong?"
Itinirik niya ang mga mata at muling hinampas ang braso nito. "Imbis na tumulong ka, parang naaaliw ka pa! Wala kang silbi."
Itinuro nito ang sarili. "You want me to help who? Should I kill the one who punched the other guy on the face?" Seryosong tanong nito. "Do you know him?"
Napaawang ang kanyang labi sa sinabi nito. Kill? Papatayin nito ang lalake? Seryoso ba ito? "A-anong sinasabi mo?"
"You said you want me to help."
Nasapo niya ang mukha at tinalikuran ito. Naglakad siya patungo sa kanyang bahay at naramdaman niyang sumunod ito sa kanya. Hindi niya alam kung nagbibiro ito o hindi pero malakas ang kutob niyang hindi. Dios ko. Sino ba ang lalakeng ito. Doktor ba talaga siya? Peke ba yung ID niya? Pumapatay ba ito ng tao?
"Angela —"
Sinamaan niya ng tingin si Kace. He was about to say something when he received a call. Saglit itong natigilan matapos nitong tingnan ang cellphone.
"Sorry. I need to answer this call. I'll be right back."
Hindi na nito hinintay ang kanyang sagot at lumabas na ito ng bahay.
"f**k you, Gunner. I clearly told you not to disturb my f*****g vacation. What the hell do you want?" Inis na sagot niya sa tawag ng pinsan.
"Does your brother know that you're in the Philippines right now?"
His forehead creased. "Of course not. Alam mo kung gaano ka ganda ang relasyon naming dalawa." Sarkastikong sagot niya.
"I called to warn you. He's coming."
"s**t!" Pinatay niya ang tawag ni Gunner. His brother is a f*****g psycho! Noong mga bata pa sila, madalas itong ikompara sa kanya. He excels in everything while his brother was average. Because of his insecurities, he started to hate him, and at the age of 10, he tried to kill him by poisoning him! He was hospitalized for more than two weeks. Maraming beses na nitong pinagtangkaan ang kanyang buhay. Even the woman he loved, his friend Chellie ay hindi nito pinalampas.. He had to distance himself from her and act like he doesn't care for her anymore para tigilan ito ni Rione. Lahat ng importante sa kanya, lahat ng bagay na kanya ay gustong nitong mawala. Rione wants to ruin his life. Maraming beses na rin nitong pinagdiskitahan ang kanyang kompanya. Kung hindi dahil sa tulong ni Gunner at ng mga magulang nito ay baka patuloy pa rin ito sa panghaharass sa kanya. They imprisoned him pero makalipas ang ilang taon ay nakalabas rin ito. Akala niya ay pahihirapan at guguluhin na naman siya nito pero hindi nito ginawa iyon but he's sure that he is up to something. Kilala niya ito. Hindi ito matatahimik hangga't nabubuhay siya. His younger brother is ambitious and a psycho. He'll do anything to get what he wants.
Pumasok siya sa bahay ni Angela. Nasa kusina ito at nagluluto ng hapunan. Lumapit siya rito at niyakap ito mula sa likuran. Hindi pwedeng malaman ni Rione ang tungkol kay Angela. Mapapahamak ito.
"Nagluluto ako. Bitiwan mo 'ko." Tinanggal nito ang kanyang brasong nakapulupot sa maliit nitong baywang.
"Angela. Will you come with me to New York?"
Natigil ito sa paghihiwa ng isda at kunot-noong napatingin sa kanya. "Ano?"
Nag-iwas siya ng mga mata. "N-nevermind. I gotta go. I'll pick you up tomorrow."
Tinalikuran niya ito at umalis. He drove his car back to his house. What are you planning to do, brother? Nanahimik ka ng matagal tapos ngayon nagsisimula ka na namang gumalaw. What do you want huh.. His hand gripped the wheel tightly. "I won't forgive you if you lay a hand on my girl, Rione."
Pagdating niya sa kanyang bahay ay muli niyang kinausap si Gunner. He needs his help to locate his psycho brother.
"I'm sorry for troubling you, Gun."
He heard Gunner laugh. "I totally understand, man. We're in the same situation. Damn! Having a psycho brother is troublesome."
Natawa na rin Kace. Right. Gunner has a psycho brother too. It's Killer. Napailing siya.
"The other day I was in my office working my ass off and then suddenly, someone shoot my f*****g window! Of course, it's bulletproof but I was surprised as f**k! After that, Kill called and said it was a prank. s**t! Dumbass childish brother!"
Napahalakhak siya. "Kill is a good man. He's just scaring you. Hindi katulad ni Rione. My brother is seriously dangerous. You know that. He's twisted."
"So what's your plan?"
Napatitig si Kace sa baril na pinupunasan. "I never wanted to hurt him, Gun. He's still my brother. Pero kapag sinaktan niya ang taong importante sa akin, I won't forgive him."
Narinig niya ang marahas na buntong-hininga ng pinsang nasa kabilang linya. "I am already losing Helium. Pati ba naman ikaw? Damn. Love is powerful. I gotta hang up now. I have work to do. Oh! SP 008 just finished his assignment and he's on vacation. Warrior is in the Philippines too. If you need help, call them."
"Sure. Thanks, Gun."
Eksaktong pagkababa niya sa cellphone ay tumunog ang main door ng kanyang bahay. Mabilis na dinampot niya ang baril at itinutok iyon doon. There is no way Angela would come here on her own. Isa pa, nakalock ang pinto niya. Nang bumukas ang pinto ay nakita niya si V na inaalalayan si Warrior. Napamura siya at ibinaba ang baril.
"s**t! He's drunk. Help me. He's f*****g heavy!" Reklamo ni V.
Nilapitan niya ito at tiningnan ang kanyang pinto. Natampal niya ang noo nang makitang sira na ang door knob at alam niyang kagagawan iyon ni Warrior. Pagbabayarin niya ito bukas.
"Paano niyo nalaman ang bahay ko?"
Tumawa ang lasing na si Warrior. "Because I am awesome."
Itinuro niya si Warrior at tiningnan si V. "Why is he drunk?"
"Hindi pa rin pala siya sanay uminom. We just finished our assignments so we celebrated. He said he wanted to drink so dinala ko siya sa bar. I didn't know na malalasing siya sa limang baso."
Tinulongan niya itong ihiga si Warrior sa mahabang sofa. Tinanggal niya ang sapatos nito at jacket. "Ikaw na ang bahala sa kanya. I'm going to sleep."
"Alright, but do you have food in your fridge? I'm hungry."
Kumumpas lang siya sa hangin at iniwan ito.
Kinabukasan ay nagising si Kace dahil sa isang pagsabog. Mabilis na kinuha niya ang baril sa drawer at tumakbo pababa ng hagdanan. Narinig niya ang boses nina Warrior at V. Nagtatalo ang dalawa! Inipit niya sa boxer shorts ang baril at tinakpan ang ilong gamit ang kamay. Nakikita ang itim na usok na nagmumula sa kanyang kusina.
"s**t!"
Lumabas si Warrior sa kusina hawak ang frying pan at sumunod naman si V na hawak ang fire extinguisher.
"What the hell did you two do to my f*****g kitchen?" Sigaw niya.
Nagkibit-balikat si Warrior. "I don't know. It must be broken. It exploded but it's not that bad. I'll pay for it."
"We were starving so we tried cooking something for breakfast." Si V.
Tiningnan niya ng masama ang dalawa bago bumuntong-hininga. "Magpadeliver nalang kayo. Simula ngayon, huwag na huwag na kayong tumuntong rito sa kusina ko! Do you understand me? Clean this f*****g mess."
"May narinig ako na pagsa—"
Gulat na napalingon si Kace. Mabilis ang mga kamay na inihagis niya sa loob ng kusina ang baril nang makita si Angela. "A-Angela. Love! W-what— what are you doing here? You're early! Susunduin kita dapat diba?" Nilapitan niya ito at pinatalikod. Tinaboy niya ang dalawang pinsan at matalim na tiningnan ang mga ito.
"May narinig akong sumabog sa loob kaya pumasok na ako. Sira pala yung pinto mo at nakabukas yung gate. May nangyari ba at mga kaibigan mo ba sila?"
Inakbayan niya ito at pilit na nginitian. "They were cooking. You see, hindi sila marunong kaya ayun. Bakit ka pala nandito?"
"Naiwan ko yung cellphone ko rito."
"I see."
"So you are Ms. Angela Silva." Si Warrior. "Hi I am War and this is V. We are Ro— Kace's friends."
Nakuyom niya ang palad at inis na tiningnan si Warrior. Muntik pang madulas ang bibig nito! Tiningnan ito ni Angela mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay.
"You look familiar. Hmm, I think I saw you somewhere but I couldn't recall where. Anyway, nice to meet you, Ms. Angela. I want to give you a piece of advice. You should stay away from that man. He's crazy."
Tumawa si V at inakbayan si Warrior. He rolled his eyes and held Angela's hand. Hinila niya ito paakyat sa kanyang kwarto.
"Nakakatuwa ang kaibigan mo. Gusto ko yung advice niya." Naupo ito sa gilid ng kama at nakangiting tiningnan siya.
"Do you agree with him that I am crazy?"
She stared at him with amused eyes. "Hindi ba?"
He smirked. Itinayo niya ito sabay yapos sa baywang nito. "I am crazy for you, love." He nibbled her ear and cupped her buttocks. Angela gasped.
"Kace.."
He looked at her and teased her by brushing his lips on hers. When she was about to kiss him, he pulled away. Nginitian niya ito ng nakakaloko. Agad na namula ang mukha ng dalaga at hinampas siya sa braso.
"Hey, stop. Sorry, i teased you." Natatawang sabi ni Kace.
"Nakakainis ka talaga! Nasaan ba ang cellphone ko? Akin na. Papasok pa ako sa trabaho!"
Hinanap niya ang cellphone sa kama at tinawagan ang cellphone ni Angela pero wala siyang marinig na tunog. "Are you sure you left it here? It's ringing but I don't hear anything." Pinatay niya ang tawag at nilapitan ito. "Forget it. Let's just buy a new one." Hinila niya ito at paupo sa kama pero iwinaksi nito ang kanyang kamay.
"Love, I'm sorry I teased you before. C'mon, I'll make it up to you."
Inirapan siya nito at lumabas ng kanyang kwarto. Agad na sinundan naman niya ito. "Angela! Wait! Where are you going?"
"Ah! Ms. Angela!" Si V.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang baril sa sofa. Mabilis na hinila niya si Angela at niyakap ng mahigpit. Inis na itinuro ni Kace ang baril na nasa ibabaw ng sofa. f**k!
"Ano ba! Bitiwan mo 'ko!"
"I'll kill you!" Sambit ni Kace at matalim na tiningnan si V.
"A-anong sabi mo?" Si Angela.
"Ha? No — i -i was talking to V. Not you." Binitawan niya ito matapos itinago ni V ang baril. Nginitian niya si Angela. Nagdududang tiningnan naman siya nito.
"Ako ba pinagloloko mo?"
"I didn't know they have a pizza shop here in this village. I love it. Ms. Angela, why don't you join us?" Si Warrior.
Tumingin siya kay Warrior. "Yeah. Have some."
"Salamat nalang pero aalis na ako. Magkita nalang tayo mamaya sa cafe."
"Ihahatid na kita. Kukunin ko lang ang susi ng kotse." Mabilis na tinungo niya ang book shelf at kinuha ang susi na nakapatong roon. "Let's go?"
Umiling ito. "Huwag na. Ayaw kong sumama sa lalakeng mukhang nakadrugs." Naglakad ito patungo sa pinto at lumabas. Susundan na sana niya ito nang biglang magsalita si Warrior.
"In case you didn't notice. Boxer shorts lang ang suot mo, bro."
Bumaba ang mga mata niya sarili. "Oh s**t!" War is right. Nakaboxer shorts lang siya. "This is your fault. Ginulat niyo 'ko sa pagsabog kaya bumaba ako kaagad!" Mabilis na pumanhik siya patungo sa kanyang kwarto.
Nagtungo si Kace sa cafe kasama ang mga pinsan. Ayaw niya sanang isama ang mga ito pero mapilit ang dalawa. "Please don't mess things up. Nagsisimula pa lang kami ni Angela."
Tinawanan siya ni Warrior. "Really. You two are in a relationship?"
"Maybe you're just assuming things." Si V. "Did you asked her to be your girlfriend? I don't think so."
Natigilan si Kace. He didn't ask Angela but they had s*x a couple of times already! Kailangan pa bang itanong iyon?
"Ah. I know what this idiot is thinking." Si Warrior. "They had s*x already kaya siguro iniisip niya na may relasyon na sila! f**k! Hindi ko alam na napakabobo mo pala, insan!" Tumawa ito ng malakas kaya pinukol niya ito ng nakamamatay na tingin. Pero bilib din siya rito dahil natumbok nito ang kanyang iniisip.
"My man, I know you like her but you have to stop this." Sinulyapan niya si V. "Alam mo ang pinagdadaanan ni Helium ngayon. He is still fighting his family because of a woman. Things will be difficult for you too. Especially for Ms. Angela. Sa baliw na kapatid mo pa lang, mahirap na. Paano nalang kapag nalaman ng — f**k! She'll die, man!"
Inihinto niya ang kotse at marahas bumuga ng hangin. His cousins were not wrong pero hindi siya tanga para hindi maisip ang mga posibilidad na mangyari sa pakikipag-ugnayan niya kay Angela. Damn! Kung alam lang ng mga ito kung ano ang mga alalahanin niya. First, Harriet and Chellie and now his psycho brother. Ang pangatlo, pang-apat, nakikinita na niya ang mga iyon.
"Just — just leave me be. I know what I'm doing. Nandito na tayo. You two should just keep your mouth shut and everything will be fine. I can handle this myself." Malamig na sagot ni Kace.
Hindi sumagot ang dalawang pinsan. Bumaba na siya sa sasakyan at pumasok sa cafe. Naramdamang niyang sumunod ang dalawa sa kanya.
I'll protect her. I can do it.
TINITIGAN niya ang cellphone na hawak. It's been five years since the last time he came out and he'll make sure that this time, he'll have fun. He will surprise his brother. He's very excited to meet him face to face. Sigurado siyang matutuwa ito.
It's been five years, Ros. I know you missed me brother. I'll make sure to say hi to you soon. For now, I'll let you play and have fun with your little secret but next time, you have to play with me.
He stared at the cafe for a couple of minutes before telling his driver to go. Pinatay niya ang cellphone na nakuha mula sa bahay ng kapatid bago iyon ibinulsa.
"Where to, Sir?"
Saglit siyang napaisip pagkatapos ay mahinang natawa nang maalala ang isang importanteng bagay. "To the airport. It almost slipped my f*****g mind! Damn! I need to pick-up someone. It's a gift for my beloved older brother. I'm sure he'll be very happy with it."
"Yes, Sir."